Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nadine ‘di papasang beauty queen

0 1,254

Dahil nga may kiyeme latik si Liza Soberano na siya ay introvert, ang mga nangangarap na siya ay maging beauty queen, must and should kiss that dream goodbye.

Hayaan na natin siya sa drama niyang mas kampante siya sa company of herself at malaking effort on her part ang maging a very public figure like a pageant queen. Juice colored! Hindi mas public na public lalo ang pagiging artista? Sa true lang.

Kaya nga ang fandoms, dahil dito, kanya-kanyang paglalako sa kanilang mga iniidolo na maaring maging the 5th Philippine Miss Universe.

Sa isang panayam, ang tisayin at magandang si Kira Balinger, walang halong pag-iimbot at buong katapatang inamin na ang pagsali sa beauty pageant is a dream is a wish that your heart makes niya. Hindi pwedeng itanggi na pag itong si Bb. Balinger ay nagblossom at bloom into full womanhood, nabigyan ng training sa poise at etiquette, catwalk and pageant walking, dressing and glamming up, pati na rin sa manner of conversing like a queen, winner in all aspects ang kapareha ni Grae Fernandez.

Inilalako rin si Maymay Entrata na kasahan ang pageantry. Entrata when dolled up eh talagang pang super model of the whole wide universe. She has the attitude and bearing pag rumarampa sa catwalk. At ang gandang Pilipina niya is enhanced talaga pag siya ay styled na pang high fashion. Kailangan nga lang pakatutukan ang kanyang wit at pagsagot sa mga katanungan. Natutuhan naman iyon. And yes, hindi dapat mawala o burahin ang kanyang regional accent dahil that tone will make her stand out and prove to all na ang mga Pilipino talaga ang may sexiest accent amongst Asians.

Ang diva that you love, kinabaliw sa mga inilalako na ang babaing may lust sa apelyido, si Nadine Lustre daw has what it takes to become a beauty queen.

Sa mga team Lustre, barakong kape na walang muscovado o coco sugar, para naman nerbiyusin kayo sa pangarap niyong iyan. Kahit saan anggulo tingnan, there is nothing “queenly” about Nadine at dahil nga given na vertically challenged ito, hindi na agad siya papasa sa height requirement, huh. At of late, isang malaking bangungot ang kanyang mga pictorial na mukha siyang bagong opera.

Kisses pinagduduldulan kay Donny

Never say die ang mga panatiko at supporter ni Kisses Delavin, huh. The WHO si Kisses? Yun na! Hahahaha.

Nakakapagdabog ng bangs ang kanilang dedikasyon na muling paingayin ang karera ni Delavin at ang balak pa nilang gamitin, ang dating ka-loveteam nitong si Donny Pangilinan.

Mga ineng at nenita maricon, huwag na ipilit at huwag na buhayin pa ang bangkay na loveteam. Kung nasaang dako pa roon pa ang babaing parang chocolate brand ang pangalan, let her. If she is in the academe making sunog her kilay, mas mabuti iyon for her. Kung in the nearest future eh tuparin niya rin ang pangarap niyang maging pageant constentant, nasa demokrasya naman tayo, bakit hindi? Pero ang para maging babaing bubog sa buhay ni young master Pangilinan, tama na, sobra na, huwag na!

SM food to go Banner Ad

At kaunting respeto at kahihiyan naman sa bagong kapareha ni Donny na si Belle Miranda, huh.

Ang bongga lang sa pangyayaring ito, si Kisses Delavin ang ka-level pala, si Maine Mendoza. Sa Twitter kasi nararamdaman at sikat pa sila.

Yun na!

Ganda ‘nagselos’ kay Guimary

Walang diwata at sirena na nanalig na si Queen Bayot Vice Ganda, hindi nagseselos sa newbie boldie na si Sunshine Guimary.

Naku ha, hindi niyo puwedeng i-the WHO ang Sunshine na ito lalo na nga’t maalindog at makubarda talaga .

Lahat ng miyembro sa Rosas Pandan community, buo ang paniniwala na dahil nga si Ion Perez ang isa sa mga leading men nitong si Guimary sa kanilang sexy movie, ang panibugho at paninikip sa dibdib ni Jose Marie ay kanyang naramdaman at patuloy na dinarama lalo na nga’t hindi niya pa naman napapanood ang mga lanturang eksena nina Perez at Sunshine.

Hindi na natin kailangang sauluhin pa kung bakit wapak na wapak si Sunshine kung ikukumpara kay Viceral. Kahit pa confidently beautiful with a heart ang Kabogable Beki, alam naman nating mas mabilis mag-iinit at mabubuhay ang mga ugat ni Ion sa kanyang kaparehang babae.

Ano nga kaya kung paglaruan ng tadhana ang pagmamahalan nina Vice at Ion? Paano kung tumibok ang puso ni Perez para kay Sunshine? Handa kaya si Jose Marie sa ganitong pangyayari?

Pag iyang si Sunshine Guimary ang naging tagapagwasak ng relasyon Vice at Ion, siya na agad-agad ang Reyna ng mga Babaing Bubog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.