Abante Tonite Interactive

Nadine galit sa plastik

425

Ipinakita ng aktres na si Nadine Lustre ang matindi niyang pagtutol sa mga plastik. Kilala siya sa kanyang environmental advocacy na gina­gawa niya noon pang 2018, kasama ang ex-boyfriend na si James Reid.

Nakilahok ang aktres sa ginanap na cleanup drive sa Manila Bay. Ngayong single na si Nadine, mas magkakaroon siya ng oras para sa kanyang mga cause at campaigns.

Sumali na rin siya sa nonprofit organization na Planet CORA na may layong sumuporta sa mga kampanya hinggil sa usapin ng klima at plastic pollution.

Nitong nakaraang taon ay nakipag-team-up siya sa Greenpeace Philip­pines para sa adbokasiya laban sa plastik. At taong 2018 naman ay ang cleanup drive nila sa Siargao at kasama pa niya rito ang ex-boyfriend. (Rona Ronda)