Abante Tonite Interactive

Nadine ginagaya ang ex ni James

478

Naloka ang mga fan sa panggagaya umano ng aktres na si Nadine Lustre sa ex-girlfriend ni James Reid na si Ericka Villongco.

Naging prangka naman si Ericka sa pagharap nito at diretsahan ang pagpapari­nig sa IG ukol sa panggagaya ni Nadine.
Nauna rito ang parinig na Ericka nitong February 8 na hinala ng mga fan ay patungkol kay ­Nadine.

Napapansin ng mga netizen ang pagkakahawig ng ipino-post ni Ericka kay Nadine.

Abante Hiring – IT dep

Katulad ng pagkakapareha nila sa tema ng kanilang Instagram feed, ang moon religion at ang pagkahilig sa diamonds.
Samantala, nag-post kamakailan si Ericka sa kanyang IG suot ang black tank top.

Dalawang oras matapos nito ay nag-post din umano ang aktres ng black top na may pagkakahawig din kay Ericka.
Napansin din ng mga netizen ang pagkakaparehas ng anggulo nilang dalawa.

Nagparinig muli si Ericka sa kanyang Instagram story at ipinost ang kaparehong larawan.“My straps will tell u how close i am to losing my shit. Imitation is the sincerest form of flattery,” caption niya sa post.

Halo-halo ang naging reaksiyon ng mga netizen pero mas nangingibaw ang kanilang konklus­yon na copycat umano si ­Nadine.