Abante Tonite Interactive

Nadine hindi minaltrato

977

tonite-imo-vinia-vivar
Bukod sa pagpapaalis ng upuan kay Kim Chiu sa premiere night ng Miss Granny, nagkaroon din pala ng seating arrangement issue si Nadine Lustre sa nasabing event na ngayon lang nilinaw ni Nadine.

Sa kanyang Ins­tagram Story last Tuesday, nag-post ang aktres na wala naman daw issue kaya itigil na ang hate.

“Hey before things get crazier, just here to clarify…

“I had a reserved seat but I choose to sit with our friends.

“I’m a little bit disappointed with people throwing hate without knowing the reason behind this.

“I hope this clears out the issue that was never there in the first place.

“I’m gonna say this again. There was no issue.

“I wasn’t treated badly. I am not protecting anyone nor cleaning up anyone’s mess. I am telling you all what ACTUALLY happened.

“So you stop being angry FOR nothing.

“Aryt? Okay,” ang nilalaman ng IG Story ni Nadine.

Ang pinanggagalingan ng post ng aktres ay ang mga pangba-bash ng mga fan sa Viva Films na nagre­reklamong wala raw designated seat para kina James at Nadine.

Ang nangyari raw tuloy ay hindi nakatabi ni James ang girlfriend sa sinehan na parehong kaso rin sa nangyari kay Kim na hindi rin nakaupo sa tabi ni Xian Lim.

Sa Twitter ay nagpaliwanag na rin ang Viva Films na hindi sila naabisuhan ng cast na may guests silang darating.

“May nakalaang upuan po sa lahat ng aming mga bisita. Ang di po namin makokontrol ay kung may plus 1 o 2 na kasama ang aming mga bisita na wala sa aming master guest list. Gayunpaman, maraming salamat sa iyong paalala, kaibigan.

“Ang mga bisita po ng aming mga bida sa pelikula ay nasa master guest list namin. Subalit kung sila po ay nagsama rin ng guests na di kami nabigyan ng paunang abiso, doon po magkakaroon ng challenge lalo na po kung punuan ang screening at kung ayaw po nila maghiwa-hiwalay ng +,” ang paglilinaw ng Viva Films sa Twitter noong Aug. 27.

Gayunpaman ay ayaw pa ring tumigil ang mga fan. Ayaw tanggapin ang paliwanag ng Viva Films kaya marahil nag-release na rin si Nadine ng statement niya.

Sharon ipinagtanggol si Kris

Naglabas ng mahabang pagtatanggol at papuri si Sharon Cuneta kay Kris Aquino sa kanyang IG account. Kinondena ni Megastar ang crab mentality ng mga Pinoy na hinihila pababa ang isang tao kapag nagiging successful tulad ng ginagawa ngayon sa kanyang BFF.

Aniya ay hindi niya gusto ang ginagawang pagda-down ng mga tao kay Kris because of her short appearance in Crazy Rich Asians.

“If you joined me at one of my IG Lives, remember how I talked about some people enjoying bringing others down? Sadly, it is very Pinoy to have what is known as “crab mentality;” you know – ‘Kundi ako ang successful sisiraan kita dahil sa inggit!’

“I said it didn’t sit well with me how some people were criticising Ms. Kris Aquino’s short appearance in “Crazy Rich Asians,” instead of celebrating that she WAS at all part of that Hollywood movie that has now hit #1 at the Box-Office,” ang bahagi ng post ni Sharon.

Dagdag pa ni Mega, dapat ay maging proud tayo kay Kris na napili among hundreds to become part of a Hollywood movie.

“I thank all of you who left messages of encouragement for Kris as I requested. Guys, when one of us has the blessing of being chosen among hundreds to become part of a Hollywood movie – especially from a major studio and based on a best-selling book, WE SHOULD BE HAPPY. PROUD. It opens more doors in world cinema for Filipinos and other Asians, like Ms. Lea Salonga opened doors for many in Broadway.

“A short – but important – exposure in a film like this should’ve made us all root for Kris. Now, I know one thing that God in His faithfulness does: He brings you to a place with plans to bring you only FARTHER. Congratulations, Kris, Beej, QOAM! God bless you more. And thank you for making­ us dayuummm proud,” ang pahayag pa ni Sharon sa post.
Oo nga naman.