Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nadine inamin great love si James

0 144

Inamin ni Nadine Lustre na nasa healing stage pa rin siya sa break-up nila ni James Reid dahil hindi naman daw ito madaling proseso.

“Healing naman kasi is, I guess a general thing for me. Even with my brother’s death, I’m still healing,” ani Nadine sa kanyang panayam with Karen Davila para vlog nito.

“It still gets me. Healing is a long, long process. You never stop healing from anything,” dagdag niya.

Sa nasabing interview, for the first time ay inamin din ni Nadine na 2019 pa sila naghiwalay ni James. Matatandaang inanunsyo nila ang break-up noong 2020.

“The break-up actually happened in November pa last 2019. We were talking about it na. It wasn’t really a bad break-up. We just wanted to work on ourselves.

“I get that people are sad about it but for us, it was a mutual decision. He had to take care of his family, focus on his career and I had to focus on my career and take care of my family as well and myself.

“That’s why we remain friends, like there’s no bad blood or anything,” pahayag ni Nadine.

When asked kung walang third party, sagot ng aktres, “no, no, oh man, wala talaga. It was a mutual decision.”

Dagdag pa niya, “when I moved out, it was, you know, like it was a start of a new chapter. Kasi, I had to grow, we both had to grow.”

Sinabi rin ng aktres na kung talagang para sila sa isa’t isa ni James ay tadhana na ang magsasabi.

“I believe naman kasi na at the end of the day, if you guys are meant to be together, then it will fall into place, you know. It’s just that we really wanted to work on ourselves,” she said.

When asked kung anon’g klase ng love si James for her, ayon kay Nadine ay great love.

“I think it was a great love kasi we learned a lot of things. Like we grew a lot, we were helping out each other. Hindi siya ‘yung basta-basta lang, na pa-sweet lang.

SM food to go Banner Ad

“Marami akong natutunan du’n sa relationship namin and a lot of me changed because of that, I guess. For the better, of course.

“I opened up myself to a lot of new things, so great love talaga siya,” paliwanag ni Nadine.


Erich niligawan ni Mario Maurer, fake news

Once and for all ay nilinaw ni Erich Gonzalez ang matagal nang tsika na niligawan siya ng Thai superstar na si Mario Maurer na matatandaang naging leading man niya sa pelikulang Suddenly It’s Magic noong 2012.

“False ‘yan talaga,” sey niya sa kanyang interview sa Magandang Buhay na inere kahapon.

Pero inamin naman niyang may communication pa rin sila ngayon ni Mario at dapat nga raw ay pupunta rito ang binata last year pero nagkataon namang nagkaroon ng pandemic.

“Sabi ko sa vlog, gusto nilang pumunta roon sa magandang beach talaga. Sabi ko, ako ang tour guide nila pero hindi pa natuloy. Pero itutuloy natin ‘yan. Mario ha? Keep in touch pa rin, siya at saka ‘yung team niya,” kuwento ni Erich.

Not only that, maging ang family ni Mario ay nakilala na rin niya.

“Na-meet ko ‘yung brother niya saka ‘yung mom niya. ‘Yung brother niya, nun’g mayroon siyang ini-release na kanta,” sey niya.

Nakiusap daw si Marco Maurer (Mario’s brother) sa kanya na idirek niya ang music video ng song nito.

“So ‘yung ‘Won’t Let You Go’ ni Marco Maurer, shinoot natin ‘yan sa Manila actually. So, they went here,” tsika pa ni Erich.

Pagi-inform naman ng host na si Melai Cantiveros, talaga raw nagdidirek na rin kasi si Erich at siya rin ang director, producer at aktor ng bagong digital series nila ni Enchong Dee.

Leave A Reply

Your email address will not be published.