Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nadine inurirat sa balls ni James

0 405

Nakipagbalitaktakan si Nadine Lustre sa mga basher niya sa Instagram post ng isang kaibigan na larawan ni James Reid na may mga ka-dinner na friends.

Tila may pumuna na bakit hindi siya kasama sa dinner (deleted na ang message ng basher) kaya sinagot ito ni Nadine.

“Uhm… I was actually invited,” ang sagot ni Nadine and added the hashtags #jokesonUlol at #2020namagbagokana.

Inulan ng positive and negative comments ang nasabing reply ni Nadine at sumasagot din ng komento ang aktres.

“Haters who use fake accounts don’t have balls. #sadlyf,” ang comment ni Nadine.
“Also, If you shit on other people, you are NOT my fan. No exceptions. We don’t welcome hate in our house,” dagdag pa ng aktres.

Sumagot naman ang basher na “@nadine try to ask @james kung meron din ba siyang balls” at nilagyan ng hashtag na #desperate.

Hindi rin ito pinalampas ni Nadine at sumagot pa ulit. “Utot mo blue,” reply niya.
Pinuri-puri ng kanyang fans si Nadine sa pambabasag sa basher pero ang iba naman ay hindi nagustuhan ang pagpatol ng aktres.

“Break n kayo so what kung assume ng fans na wala ka dyan. if kayo naman together “ulit” eh sa wLa ka sa picture.. malamang di alam ng tao n invited ka,” komento ng isang netizen.

“Its USELESS. i dont even see the point anymore in answering.. Ok you were inviteed.. So? Keep them wondering till their brains explode,” isa pang comment.
Reaksyon naman ng isa pang IG user, “yikes 2020 na pumapatol pa rin sa haters.”
 Well, if we’re to ask, sa tingin din namin ay hindi na dapat ipangalandakan pa ni Nadine na invited siya sa dinner. Wala na sila ni James so normal lang na hindi na sila nakikitang magkasama sa mga ganyang okasyon. No need to explain kung invited siya or not.

Leave A Reply

Your email address will not be published.