Abante Tonite Interactive

Nadine itinapon ang regalo ni James

699

tonite-imo-vinia-vivar

Naiwala ni Nadine Lustre ang necklace na ibinigay sa kanya ni James Reid. Ito pa naman daw ang pinaka-memorable para sa kanya na material gift na binigay sa kanya ng boyfie.

“Binigyan niya po ako ng necklace na nakalagay ‘Always,’ kaya lang, nawala ko po sa Japan,” kuwento ni Nadine nang makatsikahan namin sa presscon ng movie niyang “Ulan.”

Ibinigay daw sa kanya ang necklace noong February 2017 at naiwala niya bandang October that same year.

“Nag-shoot po kasi ako, and then inilagay sa tissue, tapos nilagay po sa bag ko, so akala ko po, basura. Nu’ng nag-Japan po kami, naitapon ko po yata ‘yung tissue,” kuwento pa ni Nadine.

Hindi naman daw nagalit or nagtampo si James at siya raw ang sobrang na-frustrate dahil siyempre nga naman, bigay ‘yun ng kanyang mahal.

Pero sa mga hindi naman daw materyal na bagay, siyempre, ‘yung support daw na binibigay sa kanya ni James sa lahat ng bagay.

“Especially, nun’g namatay nga po ‘yung brother ko, sobrang hirap po nu’n kasi parang ‘yung mood swings ko, iba. Tapos, para po akong baliw nun’g time na ‘yun na hindi ko alam kung okay ba ‘ko. Sobrang na-depress ako nu’n,” she said.

Tatlong taon na ang relasyon ng JaDine at ayon kay Nadine, araw-araw daw ay nadadagdagan ang pagmamahal niya kay James.

“Iba po kasi ‘yung naging journey namin together,” sey pa niya.

Samantala, showing na ang “Ulan” sa March 13 mula sa direksyon ni Irene Emma Villamor, the director who also brought us “Camp Sawi,” “Meet Me in St. Gallen” at “Sid and Aya, Not a Love Story.”

Arra panis sa BoBrey

Sobrang happy ni Ken Chan ngayon dahil sa patuloy na mataas na ratings na natatanggap ng serye niyang “My Special Tatay” sa GMA-7 at ang napakainit na pagtanggap ng mga tao sa tambalan nila ni Rita Daniela.

BoBrey ang tawag sa loveteam nila na pinaghalong Boyet and Aubrey na mga pangalan ng karakter nila sa serye. Ang daming kinikilig sa kanilang tambalan dahil may hatid daw na good vibes.

Sabi nga ni Ken, hindi raw talaga nila ine-expect na magki-click ang loveteam since si Rita ang kontrabida sa serye at si Arra San Agustin talaga ang kanyang original partner.

At dahil nga bagay na bagay ang dalawa, ang daming netizens na nagwi-wish na sana raw ay maging sila rin sa tunay na buhay.

Well, wala namang masama since pareho silang single ngayon. Si Ken ay huling nagka-girlfriend noong 2015 pa habang si Rita naman ay huling nagka-boyfriend noong 2014. Pareho silang matagal nang loveless actually kaya puwedeng-puwede talagang maging sila.

Alonzo viral ang music video

Ibang klase talaga ang karisma ng bata dahil napapasunod ang matatanda. May isang video sa Facebook account ni Niño Muhlach na napasayaw sa entablado ng kanyang anak na si Alonzo Muhlach ang mga senatoriable.

Ngayon naman ay nag-release ang child actor ng kanta at music video bilang suporta sa kandidatura ni Bong Go.

Ang naturang music video ay mapapanood sa kanyang Instagram and Facebook na kung saan tinutukan ng kanyang 71,167 followers.

Marami ang bumilib kay Alonzo dahil magaling, talentado at humble.

Kitang-kita na malayo ang mararating ng mga artista natin lalo na ‘yung mga bata. Sana raw ay mapalakas pa ang industriya para marami pang talentadong Pinoy ang ma-develop.