Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nadine, James nag-iwasan sa concert

0 198

Inabangan ng mga JaDine fans ang virtual concert nina James Reid at Nadine Lustre nitong nakaraang Sabado dahil first time ulit na magsasama ng dalawa sa isang concert (kahit na online lang) after their controversial break-up.

Ang naturang virtual concert ay inorganisa ng isang telecom company bilang part ng kanilang promotion na ang pinaka-highlight nga ay ang performance ng JaDine at the finale.

Hindi pa man lumalabas ang dalawa ay napakarami nang nagwi-wish na sana raw ay makita nilang nagdu-duet ang kanilang idolo. Pero hanggang sa matapos ang show ay walang pagsasamang naganap dahil magkahiwalay silang nag-perform. Sadly, tila nag-iwasan pa rin ang mag-ex.

Nauna ang set ni James kung saan ay nag-perform siya ng 3 kanta namely I Know You Care,” “16B,” and “Fiend. Finale naman si Nadine who sang “I like it,” “St4y Up,” and “No 32.”

Gayunpaman ay masaya na rin ang kanilang fans na sobrang na-miss sila at sapat na raw sa kanila ang mapanood muli ang kanilang idolo.

“It could have been extra special if you sang twogether, but i know you are both too busy. and the timing’s not right. sana next time magkasama na kayo. i wished and prayed for it tho. it would’ve been a great bday gift sana for me,” tweet ng isang fan.

Komento naman ng isa pang tagahanga, “oh well, you both did great! magkasama or hindi you’ve always rocked the stage! all those songs you sang were my jam. i love you both so much. keep makin’ us proud James&Nadine! i’ll always be here for you two. love x support!”

Another fan tweeted, “Ang duet na inaasam asam ng Jadines matutupad yan in time. What matters now is that they gradually grow as individual artists. James Reid and Nadine Lustre, continue to do you.”

Alam din ng fans na ang paghihiwalay in reel and real life ay mutual decision ng JaDine kaya inirerespeto nila at suportado ito.

“As much as I want a JaDine duet, I’m all for their individual growth!!! That’s what they like. To be recognized not just the other half of a LOVETEAM but a legit musician on their own! I support you all the way James and Nadine!” comment pa ng isang fan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.