Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nadine, Jane bagsak ang career

0 432

Papatulan pa ba natin kung sakaling mabantilawan ang kanilang mga karera? Si Nadine Lustre maliban sa chismis na hindi pa kumpirmado na magiging Kapuso, ang tanging pinagkakaabalahan ay photo ops na para bang she is out to prove na pwedeng-pwede siyang maging millennial sexy star.

Papayag ba si Nathalie Hart na maagaw sa kanya ang prestigious title? Siyempre hindi noh.

Maayos naman ang paliwanag kung bakit tigil produksyon ang “Darna.” Ang hindi pa maayos, ano na ang next project ni Jane de Leon after the much hyped gilm project that went pfft?

So, what happens now and what truly is next sa kanilang mga karera? Si Lustre, award winning actress na at kahit paano eh naramdaman naman talaga niya na siya ay sumikat, lalo na nga’t ang katambal at naging jowa niya ay si James Reid.

Pag naramdaman mo na ba ang sobrang kasikatan, mas masakit bang tanggapin ang katotohanan na ang karera mo ay neither here nor there sa kasalukuyan? Ang humble pie ba, ano ang lasa?

Eh si Jane? Mas doble ang sakit na kahit ayaw mo ang mga pangyayari, parang hinihila ka na mapasama sa team na hindi pa nga sumisikat ay laos na agad?

Ano ito? After Kisses Delavin, na siyang reyna at si Sophia Andres na siyang dukesa, at Myrtle Sarrosa na lady in waiting, mahabaging langit, huwag ka naman sanang itanghal bilang kontesa Jane, huh.

Kung sakali bang babalik sa pag-aaral sina Lustre at de Leon, bonggang option naman yun di ba? Mami-miss ba naman sila sa showbizlandia lalo na ngayon na may pandemya pa?

Pwedeng oo ang sagot sa tanong. Pwede ring hindi. Lalo na nga’t mahusay naman silang umarte. Ang daming bano sa pag-arte ang may karera sila pa ba naman ang mawalan ng proyekto?

**

Erich-Enchong dedma sa pakulo

Papatulan pa ba natin kung may pagsasahamang isang payanig sina Erich Gonzales at Enchong Dee? Huwag na. Hindi na nila mabibilog pa ang ulo ng mga tao na manalig na ang friendship nila na super platonic ay maaring mauwi sa romantic.

Baka nga mauna pang maging mag-jowa ang dalawang artistang lalaki kesa maging magsing-irog sina Erich at Enchong, huh!

Sana , kung ano man ang pakulong ipinangangalandakan nila, naway may manood at maaliw.

@@@

Kris,Aljur panis ang paeklay

Eh ang pag-amin nina Kris Bernal at Aljur Abrenica na ang eme muntik na pala nilang minahal ang isa’t-isa?

Juice colored! Ngayon pa ba ungkatin ito? Ang bago naman. Hahahaha! Nakakadalawang lalaking anak na si Abrenica at in a happy relationship naman yata si Bernal, so bakit pinapaparikitan pa ang chikang ito?

Ang pinakamagandang asiskasuhin nila, eh iparamdam sa ating lahat na hindi lang sila makisig at maganda, kundi marunong na talaga silang umarte.

Sa true lang, hindi pa rin mabura-bura ang pagiging Machete graduate of wooden acting ni Abrenica at si Kris naman, marami pa rin ang hindi makapaniwala na sa kapayatan niya sa mga larawan, siya na yata ang bukod tanging babaing pinagpala sa lahat dahil ang mga suso niya, parang mas lalong lumaki.

Kaya pakikurot na lang po ang mga utong ni Aljur na stop na ito at baka may kumuda na “ako rin”pa mula sa mga babaing naging ka-close niya.

At si Bernal at ang mahiwaga niyang boobies, hayaan na natin sila.

@@@

At ang huli, papatulan pa ba natin ang quest to wellness ni Ynna Asistio? Ano kaniyo my TONITE readers, the WHO na si Ynna? Ay! Stop na ito. Yun na!

Leave A Reply

Your email address will not be published.