Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nadine kinampihan sa Twitter

0 219

Number one trending topic na naman ang kasintahan ni James Reid, si Nadine Lustre. Namayagpag talaga sa Twitter universe ang #IStandWithNadine.

Ang diva that you love, hindi sigurado ang there-there, brave front na ito ang kailangan ni Bb. Lustre. What she needs right now is some good personal and legal advice para magkasolusyon ang pangyayari.

Sukdalan na ang ngitngit ng pamunuan ni Nadine sa kanyang exercising her pribelihiyong magmaganda at magsuplada na ang ang resulta, ang pangmalakasang demanda na ikinasa sa kanya.

What is your next move, Ms.Lustre? Aware ka naman na you cannot use a trending hashtag as your first line of defense.

Ano nga ba ang aral na mahahalukay natin sa kaguluhang ito?

Unang-una, hindi lang basta basahin, kundi unawain ang lahat ng mga nakasulat sa kontrantang pinapirmahan sa iyo.

Kadalasan, ang mga Pilipino, lalo na pag dating sa kontrata, ang inuurirat lang eh ang figures at kung gaano kalaki ito at go na agad sa pahina kung saan dapat ilagay ang kanyang lagda.

Iba ang Inglisan sa kontrata, malalim, teknikal kaya dapat kung hindi ka maalam sa mga bagay-bagay na legal, dapat kang humingi at komunsulta rin sa isang eksperto.

Nakakapagtaka lang kasi na mula limang tao, naging dalawampung taon ang pinirmahan ni Lustre sa kanyang ahensya, hindi man lang siya nagtanong bakit ganun ang nangyari?

Hindi ba siya nag-usisa kung bakit laging nadagdagan ang mga taon na siya ay nasa pagkalinga at pagngagalaga ng kumpanyang namuhunan sa kanya?

‘Yung talent fee niya ba sa unang limang taon, mas lumaki lalo ngayong dalawang dekada na ang kanyang kontrata sa Viva Artist Agency?

Ang kontrata ay binding, between the talent and the people who manages her career. Hindi pwedeng basta ayoko na, ayaw na agad ang talent, null and void na ito agad.

SM food to go Banner Ad

May tamang prosesong sinusunod bago dumating sa termination nito. Wala bang nagpapayo man lang kay Bb. Lustre na dapat eh nakipag-usap siya sa kanyang pamunuan ng masinsinan, inisa-isa ang probisyon sa kontratra ?

Wala namang masama to exhaust all means of communication para nga hindi na umabot pa sa ganito. Obviously hindi nag-meet ang kanilang communication channels and lines na parang impossible.

Ano ang mangyayari ngayon sa karera ni Nadine? Siguradong walang magbabalak na siya ay kunin para sa kahit na anong proyekto dahil may labang legal na ngang ikinasa sa kanya.

Huli na ba talaga ang lahat para sa pag-uusap? Sayang naman ang galing at husay niya bilang aktres na mas lalong hindi na mapapanood sa pelikula at telebisyon, o sa kahit na ano pang artistic field or endeavor.

Kung kakasahan ni Nadine Lustre ang legal sigalot na ito, karapatan naman iyon.

Ang diva that ulove, ang dasal lamang eh mahaba ang pisi niya, emotionally healthy, may pangmalakasang support system at anchors na hindi siya bibitawan sa pagkakataong ito.

Naway malagpasan ang bago mong pagsubok Nadine,

FAMAS, FAP kabugan

Out na ang mga nominasyon mula sa award giving body that refuses to die, ang FAMAS at ang Luna Awards naman, mula sa FAP ang award giving body.

Pag pinag-comparison at contrast niyo ang mga nominado nila, the difference is not only clear but crystal.

Mas papatulan ko ang mga pinilang nominado ng mga taga-FAMAS at mas katanggap-tanggap kung sino man ang tatanghaling mga magwawagi.

Yung sa isa, forget about it and them na lang ang reaksyon mula sa diva that you love.

Leave A Reply

Your email address will not be published.