Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nadine kinasabikan kay James

0 91

NI: VINIA VIVAR

May mga nagtatanong din kung kumusta na si Nadine Lustre after the elections. Isang solid Kakampink din kasi ang aktres at matindi rin ang pangangampanya na ginawa niya for VP Leni.

Well, base sa mga Instagram posts niya ay mukhang okay na okay naman si Nadine at moving forward na rin. May nagkomento ngang fan na wala raw dapat ipagalala sa aktres dahil pinalitan pa nito ang profile pic sa IG na tila ipinapakitang she’s really fine.

Natuwa rin ang fans na makitang may bagong endorsement na sikat na brand ng sapatos ang aktres.

Bukod dito, spotted si Nadine na kasalukuyang nasa Thailand at mukhang work-related din ito.

Anyway after ng pelikulang Greed sa Vivamax ay marami ang nagtatanong kung ano ang next project ni Nadine. Wish ng fans na sana raw ay magkaroon sila ng reunion movie ng ex-boyfriend na si James Reid. Sabik na sila na magkaroon ng proyekto ang JaDine.

Leave A Reply

Your email address will not be published.