Abante Tonite Interactive

Nadine kinulong sa taping

623

Ang diva that you love, nauunawaan kung bakit ang Pambansang Kayamanan Eddie Garcia, hindi nakadalo sa ginanap na URIAN Awards.

Sobrang touching ang pag-crack ng boses at teary eyed moments ni Benedict Mique na dumalo sa parangal at binasa ang acceptance speech na mula sa pamil-ya ni Tito Eddie. Galing talaga sa puso ang kanyang pasasalamat sa aktor at hindi talaga mapigilan ang nagmamarakulyo niyang damdamin dahil sa katotohanang kinasasadlakan nito.

Kung ang iba “Amin ang ‘Pinas” ang panawagan, si Mique, tinapos ang kanyang talumpati na may pangmalakasang hiling, “Eddie Garcia for National Artist.”
Ang pinakabagong medical bulletin tungkol sa Pambansang Kayamanan: “Mr. Garcia continues to be in critical condition. He remains dependent on the ventilator to breathe and medications to support his blood pressure. His latest electroencephalogram (EEG) study showed minimal brain activity.”

Ang dasal nating lahat, na ang viktoriang ito ni Garcia ay magpabuti sa kanyang kalagayan.

Ang nakakapanghinayang na hindi nabigyan ng acceptance speech moment ay si Nadine Lustre. How true kaya ang chikang nasagap ng diva that you love na nasa taping daw ito sa Bulacan para sa isang reality show?

Ano ito, walang alam at malay ang taga-production na may URIAN? Imposibleng hindi sila inabisuhan? They robbed Lustre of her winning speech moment, huh! Dapat sa mga tampalasang kinulong si Nadine sa taping, kung true nga ang chika, kurutin at buhukan, huh!

Bongga pa naman na present sa awards night ang kanyang mga fan na talagang major, major ang hiyawan matapos marinig na pangalan niya ang sinambit na nagwagi.

Parehong first time winners sina direk Lamangan at Cherie Gil sa kanilang mga kategorya. Pangatlong URIAN nominasyon ni Gil at first win niya ito at nagkataon pang kaarawan niya. Dumausdos talaga sa kanyang sosyaling face ang tears of joy.

Nanginginig pa ang aktres habang buhat-buhat ang trophy at sinabing isang segment lang pala ang kanyang kailangan para magwagi.

Mike de Leon’s “Citizen Jake” ang nagpanalo kay Cherie. Ang kapansin-pansin, walang film o video clip ang pelikula ni direk Mike na ipinapakita habang tinatawag ang mga kategoryang ito ay nominado.

Sure akong kinabigla rin ni Gil na sa kanyang kategorya, siya lang ang best supporting actress na nominado at wagi pa man din na walang visual patikim.
Si direk Joel naman, buong akala ko ay may “Sister Stella L” emote ulit sa kanyang acceptance speech. Shorter and sweeter ang kanyang pahayag na magkaisa muli para sa pagsigla ng mga pelikulang Pilipino.

Ang “BuyBust” na tinanghal na best picture, shookt ang lahat sa inuwi nitong karangalan. Ang mga pumalakpak lang for their win, sila-silang mga taga-produksyon na kasali sa pelikula.

Iba pang sidelights: Ang ganda-ganda ni Sanya Lopez sa kanyang terno na nagpatingkad lalo sa kanyang kurbada, gandang Pilipina at busog, lusog boobies.

La elegancia si Joana Ampil in her stunning off shoulder long gown. Glammed up siya to perfection.

Matikas at kay guwapo rin ni Mon Confiado in a black tuxedo at si Richard Quan in a gray, age appropriate barong Filipino.

As always, si Abra, parang bibili lang ng French vanilla coffee sa isang convenient store at ang inaasahan kong fashion forward na si Tony Labrusca, naka-black leather jacket over white under shirt and denim na hindi dapat sinusuot sa isang prestigious award ceremony.
Hindi ito mall show Labrusca, awards night ito.