Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nadine kulang sa ningning

0 144

NIL ALWIN IGNACIO

Hindi makakaila na ang kayumangging kaligatan actress, si Nadine Lustre, kahit saang social media site pumunta, talagang pinagkakaguluhan ng kanyang mga follower .

Kalurks na kahit na tila mortal na magkaaway ang dalawang giant social media sites, ilang oras namayagpag ang #NadineonFacebook sa Twitter,

Hindi ba raise to the highest estrella powers talaga ang clout and connection ni Lustre sa kanyang millennial tagahanga dahil kung nasaang social media site siya, agad-agad ang kanilang suporta sa Pinay brown acting goddess.

Hindi ba’t para silang naka-volt in sa pag push sa kanyang kanta under the recording label of her love, love, love na si James Reid, ang “Wildest Dream” at talagang gusto nilang iparmadam sa digital universe ang kanilang might.

SM food to go Banner Ad

Sana lang hindi lang sila sa digital media mag-concetrate dahil may iba pang mass communication mediums na mas malaki pa rin ang reach sa mas malaking bahagi ng merkado ay populasyon.

Alam naman nating lahat na hindi porke trending topic ka, ibig sabihin nito ay gumagalaw talaga ang inalalako mo sa publikong may tunay na purchasing powers.

Welcome addition naman ang presensya ni Nadine sa Facebook. Pero ang mas gusto nating i-welcome of course, eh ang bago niyang pelikula at television show.

Oo, she can carry a tune and her battalion of fans surely eh gagawin ang lahat para maging number one digitally ang kanyang track pero who are they kidding?

Hindi sapat ang pictorials, bikini shoots at digital ingay para manalig ang lahat na may pwersa at gravitas pa rin ang karera ni Lustre.

She is only “good” as her last motion picture and TV shows. If her movies keep on bombing sa box office and dramas on TV eh walang ratings, “peke” ang kanyang kasikatan, huh!

Leave A Reply

Your email address will not be published.