Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nadine lilipat kay Maja

0 657

May mga mahaderang kibitzers na nang-uurot na lilipat na raw si Nadine Lustre sa Crown Artist Management, ang talent management agency na pagmamay-ari ni Maja Salvador.

Ito ay pagkatapos ianunsyo ng nasabing talent agency na join na ang Fil-Australian model na si Lauren Reid sa pool of talents ng aktres.

Bukod kay Lauren,nasa kuwadra na rin ni Maja ang kanyang half-sister na si Jessie Salvador.

Si Lauren ay kapatid ni James Reid na very close sa actress na nawalan ng kinang ang karera pagkatapos ng kontrobersya niya sa Viva Talent Management Agency na nauwi sa demandahan.

Kahit daw hanggang 2029 pa ang kontrata ni Nadine, puwede raw naman itong i-buy out ni Maja ,

Ang tanong lang daw:kung sakali,maibalik daw kaya ni Maja ang lustre ng estrella ni Nadine o maging bahagi na lang siya ng mga artistang niluma ng pendents?

Vice buking ang mga lumalandi kay Ion

Aminado si Vice Ganda na marami pa ring umaali-aligid sa kanyang boyfriend na si Ion Perez.

Ito raw ay sa kabila ng katotohanang public knowledge na ang kanilang relasyon ng dating Mr. Escort.

Katunayan, may patutsada raw siya sa mga naglalandi sa kanyang nobyo.

Ito rin daw ang naging inspirasyon niya sa pagsulat ng awiting “Higad Girl” na paborito ng mga TikTokers.

Ang Higad girl daw ay tumutumbok sa mga babaeng makakati na patuloy pang nagfli-flirt o nang-aaswang ng boyfriend.

Ito raw ay hango sa kanyang tunay na mga karanasan.

Hindi naman niya itinago na may mga babaeng nagpapadala ng secret messages sa kanyang dyowa sa messenger at Instagram.

“Alam naman nila na dyowa ko na si Ion, pero mine-message pa rin nila sa Messenger at sa Instagram,”ani Vice Ganda.

Bilib daw naman siya kay Ion dahil hindi naglilihim sa kanya sa mga indecent proposal nitong natatanggap sa mga naglalandi rito.

“Pinabasa sa akin ni Ion. Mga mensaheng may kasamang harot at motibo,” pagbubunyag ng komedyante.

Leave A Reply

Your email address will not be published.