Abante Tonite Interactive

Nadine Lustre waging FAMAS best actress

580

Panalo na naman si Nadine Lustre bilang pinakamahusay na aktres. Ito ay para sa pelikulang “Never Not Love You,” pinagbidahan nila ni James Reid.

Ang una niyang tropeo bilang best actress, mula sa Young Cri­tics Circle, grupo ng mga dalubguro at mas relatively young film critics kaya may pribilehiyo silang magsuplado.

Ang kanyang pangalawang pagwawagi, mula sa oldest and newly minted FAMAS, na ang may pinakamalakas na boses at kapita-pitagang figure head sa kasalukuyan ay ang award wining scriptwriter Ricky Lee.

Sa kanyang two best actress wins, ang kanyang mga kasabayan, ang magandang si Liza Soberano, ang nagmamagandang si Maine Mendoza, at ang kawangis niya sa gandang si Kathryn Bernardo, dapat mag-level up na pagdating sa aktingan. Bongga nga na box office ang kanilang mga pelikula pero dapat na silang mag-transition at ipadama sa lahat na sila ay mga aktres din.

Suwerte nga kaya ang hatid ng mga best actress trophies ni Lustre? Sa URIAN. PMPC Star Awards for Movies at Luna, siya rin kaya ang tatanghaling pinakamahusay na aktres? Kaabang-abang, huh!
***

Eddie , Victor tie bilang Best Actor

Ang FAMAS Best Actors ay sina Eddie Garcia para sa “ML” at Victor Neri para sa “A Short History Of a Few Bad Things.”

Super agree ako sa pagkapanalo ni Joem Bascon bilang pangalawang pinakamahusay na actor sa “Double Twisting Double Back”.

Si Adrienne Vergara ang tinanghal na best supporting actress para sa “Dog Days.” Sa true lang, ngayon ko lang namalayan na may ganyang pelikula at naipalabas pala siya. Pakitaas nga ang mga kamay kung sino man ang mga nakapanood nito, maliban sa FAMAS judges? Hindi ko talaga siya naramdaman, pramis!
***

Piolo, Iñigo may pabukol

Juice colored! May mga pabukol talaga, not once, but twice, huh! Literal na mas lalong nauhaw ang sangkabekihan at mga babaeng hitad matapos masilayan ang lara­wan nina Piolo at Iñigo Pascual­ na ang suot ay pang-race biking attire.

Ang mas pinakabongga, dahil nga naka-tighter-than-tight biking shorts ang mag-ama, eksaherada ang pagbukol ng kanilang respective crotches, huh!

Ang mga diwata ang tanong, sino ang mas bayagan, si Papa P o ang nag-iisang anak na lalaki for now na si Iñigo?

Kaninong palo-palo ang tila gustong kumawala sa maikli at masikip na biker shorts? Ang sa elder Pascual ba o sa younger Pascual?

Tonite – Wendys Inhouse Ad