Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nadine magaling kumiliti

0 143

Ibang klase ang sipag ng mga tagahanga ni Nadine Lustre. Kahit walang masyadong dahilan nagagawa nilang trending topic ang babae sa buhay ni James Reid sa Twitter, huh!

Andiyang pangmalakasan ang kanilang sharing sa invitation video ni Kevan Kenny na sinasabing for the post couple of months, one of the most requested artists si Lustre sa MTV.

Video jock si Kevan na super excited na maka-chika si Nay-din (ganiyan niya bigkasin ang pangalan ni Lustre) at ang drama niya pa eh inaanyayahan ang international followers nito na to pop a question sa kanyang IG page. Ang taray ng dalagang kayumangging kaligatan, estrella pala ang pangalan sa foreigners.

Usap-usapan sa nasabing social media site ang paggaya ni Nadine sa isang katauhan sa Tekken game, si Josie Rizal.

SM food to go Banner Ad

In fairness sa iniirog ni Ginoong Reid, fab, fierce at fun, at tunay na may panghalina siya in her full Josie Rizal. Alam niya talagang kilitiin ang imahinasyon ng mga panatiko niya dahil kinarir niya ang pagiging Josie Rizal.

Red bunny ears na headdress, check!Kabogerang golden choker. Check na check. Golden yellow midrib top with bell arms as accent, triple check. At siyempre, super micro mini denim peplum skirt at Roman gladiator stilettos na parang nagbigay ng ilusyon na siya ay long legged. Wapak!

Naway after all these paandars, eh harapin na ni Lustre ang kanyang pagiging aktres. Nakaka-miss na ring mapanood siyang umaarte sa pelikula at telebisyon.

Good luck sa karera mo Nadine Lustre. Dahil sa iyong mga paandar at payanig, relevant na relevant ka pa rin!

Leave A Reply

Your email address will not be published.