Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nadine, Maja labanan sa Tambok Queen

0 566

If my memory serves me right, si Gelli de Belen ang may label na Tambok Queen title dati. Ano ang matambok kay Gelli kaya sa kanya ginawad ang kakaibang titulo?

Pakisaliksik niyo na lang sa inyong suking search engines ang vintage photos ni Ms. de Belen and pag nakita niyo siyang wearing her bikinis sa beach o sa swimming pool scenes niya dati kung meron man, alam niyo dapat why she earned the title.

Ngayon, ang sinasabing magkaaway sa titulong siguradong pinagdabog ng bangs ni Gelli in a major, major way ay sina Maja Salvador at Nadine Lustre.

Madalas kasi silang nakikita ngayon sa online photo postings of a clothing brand na pareho silang brand ambassador for its swimwear lines.

Ilang beses na captured in camera na the two vavavoom ladies are donning the same bikinis .Dahil dito, ang mga mapagmasid na katkatera, hindi maiwasang ikumpara ang kanilang alindog, hubog and yes, ang tambok na hindi mapigilang mapansin ng hommes at lesbians.

Pareho na ngang walang network ang dalawa pati ba naman ang kanilang nanahimik na tambok, pansin na pansin niyo pa? Kailangan bang i-objectify niyo sila that way and zero in kung sino ang mas nakakarahuyong pagmasdan?

Wag na nating paigtingin pa ang tilapia wars na ito dahil for sure, mas bet nina Maja at Nadine na tanghaling bilang mahuhusay na aktres kesa maging millennial Tambok Queen. Hindi ba naman?

Young actress supot ang ex

Sadyang mapagbiro ba ang mga diwatang dalahira o may katotohanan nga kaya ang nginunguso nilang chika? Isang larawan ng young singer-actor ang pinagtatalunan ng mga bakla.

Ang totoong dahilan nga ba kung bakit naghiwalay ang dekolor at puti sa bagets actor at young actress ay dahil pinagpipilitan na hindi raw matagalan ng young actress ang truth and nothing but the truth na uncircumcised daw ang kanyang ex.

Ano nga kaya ang dapat gawin ng young actor para pasinungalingan ang chikang ito? At meron naman kayang may sapat na katinuan para tanungin ang young actress kung nasilayan niya ba ang ari-arian ng ex-bf? Pwede ba niyang i-confirm kung cut or uncut ito?

Sa atin, big deal para sa mga lalaki na by the time they reach puberty at naging bulbnulin na, dapat circumcised na. Rite of passage ng mga lalaking Pinoy na from totoy, ang pagpapatuli ay isang hakbang para sa pagbibinata at sa pagiging tunay na homme.

Sa ibang bansa naman at sa ibang kultura., hindi siya issue at tinuturo naman sa mga batang lalaki kung paano ang maging hygenic sa kanilang male anatomy area.

Kaya gagawin ba nating national issue ang foreskin ng penis ng young actor? Huwag na! Baka namang makisawasaw pa ang the best and the brightest sa chikang ito, hindi na naman nila maharap ang pandemya, huh!

Leave A Reply

Your email address will not be published.