Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nadine, Maxine kulang sa pansin

0 106

Hindi kinaganda nina Nadine Lustre at Maxine Medina ang styling at stage make up na ipininta sa mga mukha nila.

Sa true lang tayo, hindi na nga nakakaaliw na pareho ang suot nilang white bustier na super emphasized ang kanilang mga bust .Tila gusto ng mga itong kumawala sa push up brassieres na pinasuot sa kanila.

Tapos ‘yung mga itstura nila, please don’t get offended mga diwata at sirena na na going mga babae na, daig pa nila ang drag queens .

Eh babae naman talaga sina Lustre at Medina kaya para saan pa ang ganitong visual provocation? Upang mas bigyang diin na sila ay maalindog?

Wala namang masama sa being bosses of your own body and feeling empowered by showing off the power of your femininity pero hindi naman dapat ganiyan ka-lantaran na parang gusto mo eh mababastos ka.

Kaya kina Nadine Lustre at Maxine Medina, pwedeng-pwede naman maging sexy, it is your right, yes. Right rin naman naming pansin kung asiwa at masagwa na ang dating, at para sa ikabubuti niyo ang pamumuna.

Vice, Ion kasalan ilusyon

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ilang oras din namayagpag sa Twitter ang handle name na Viceral-Perez at sigurado naman na ang mambabasa ng TONITE ay matatalino kaya alam niyo na family name ito nina Vice at Ion.

More than two years na rin ang relasyon ng power pink couple at hindi rin pwedeng itanggi na sa lahat ng mga magsing-irog sa showbizlandia, ang pagmamahalan nila ang palagiang iniintriga, iniismiran, pinagdadabugan ng bangs. Palagiang marami ang nanalig na madali itong matatapos.

Para sa mga dalahira, katkatera at inggitera, walang puwang ang mapagkailanman at hindi pwedeng tumagal ang relasyon nina Vice at Ion.

Sa isang video greeting galing, at mula kay Vice mismo, ang apelyidong Viceral-Perez ay kanyang sinambit. Kaya ang mga panatiko ni Queen Bayot, siyempre pa, nag-ilusyon na sa pinakamalapit na hinaharap eh, magpakasal ang dalawa.

Ano nga ang mas mabilis nating makikita? Na mas lalong magiging subok na matibay at subok na matatag ang relasyong Viceral at Perez? Na mas lalong darami ang pagtanggap at pagyakap sa kanilang kakaiba at espeyal na pagmamahalan?

Ang diva that you love, sa true lang tayo lagi, gusto ko na makita na mas lumalalim pa at mas nagiging malakas ang pagmamahalan nila Vice at Ion. Maganda kasing halimbawa para sa pink community, lalo na sa mga nanalig na ang lalaki ay pwedeng magmahal rin sa kanyang kapwa lalaki. At the end of the day, ang pagmamahal ay pagmamahal.

Leave A Reply

Your email address will not be published.