Abante Tonite Interactive

Nadine nag-enjoy sa talakan sa bashers

By
Nadine Lustre
3,039

MUKHANG nasa mood si Nadine Lustre na patulan ang bashers niya sa social media. Sinasagot ni Nadine ang ilang bashers or troll na nagne-nega comments sa kanya.

Somehow naaliw rin kami sa pagpatol ni Nadine sa bashers. Parang chill lang siya habang pinapatulan ang mga ito. At parang nang-trip na maging patola.

Sinabihan si Nadine na wala raw nabago rito. Patola Kween pa rin daw. Sinagot ito ni Nadine nang, “Noted. Pero mas marami kang time.”

Ayon kay Nadine, “Don’t be a troll. Live life to the fullest. Stay happy.

“To all the trolls. I don’t know you and y’all don’t know me. What makes you think your words will affect me and put me down?”

***

PARANG mas lalong bumata ang itsura ni Marian Rivera sa bago niyang hairstyle na kulot. Tapos ibang-iba pa ang glow nito ngayon. ‘Yung glow na happy wife & mom talaga.

Mukhang nakadagdag talaga sa happiness niya ‘yung pasabog na video ng mister niya na si Dingdong Dantes noong anniversary nila at ang pamatay na message ni Dong sa kanya.

Anyway, speaking of buhok, may pinost si Nay Lolit sa Instagram account nito na may isang sign daw pala para malaman na preggy ang Marian.

Noon daw kasing nabuntis ito kay Zia, nagpaikli ng buhok. So ‘yun lang daw ang aabangan at malalaman na buntis na muli si Marian sa second baby nila.

Nag-reply si Marian sa post ni Nay Lolit at halatang gusto na talaga nito na mabuntis agad. Sey niya, “Hahaha Sana Nay…”

Anyway, magtatapos na ang primetime series niyang Super Ma’am kaya for sure, operation baby naman siya ngayon.