Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nadine naghahabol kay James

0 1,153

NI:VINIA VIVAR

Dahil sa mga naging pahayag ni Nadine Lustre tungkol sa break-up nila ni James Reid sa kanyang panayam sa Nylon Manila, pinuputakti ng bashers ngayon ang aktres.

Inaakusahan siya ng iba na naghahabol pa rin sa ex-boyfriend gayung may bago na raw girlfriend ang aktor. May nagsabi ring hindi naman daw sila nagkabalikan tulad ng lumalabas lately sa balita.

Sa kanyang Twitter account ay sumagot si Nadine at ipinost ang meaning ng word na “relationship.”

“ima put this here before u get any ideas,” tweet ni Nadine kasama ang screenshot ng meaning ng “relationship” na “the way in which two people or things are connected, or state of being connected.”

Follow-up ng tweet pa ni Nadine, “gigil acoe sa mga assumptions n’yo ihh,” sey pa ng actress.

Sagot naman ng isang basher, “keep on blubbering still habol ng habol kay james parang asong nauul*l o asong naglalaway lang. Tantanan mo kakahiya ka na. 2 to wks ago iba babae kasama at super sweet sila tapos ikaw panay dikit… umalis ka na kasi si @bretjackson_II at narez nga umalis na NAKAKAAWA KA.”

Hindi ito inurungan ni Nadine at nag-reply siya ng“it’s blabbering dzai,” at ipinost ang meaning ng salitang “blabber” na “talk foolishly, indiscreetly, or excessively: she blabbered on an on.”

SM food to go Banner Ad

May nagpayo namang isang netizen kay Nadine na mag-move-on na raw kasi ito kay James dahil lalo lang siyang masasaktan.

“Assumptions are here because you contradict what you’re saying nadz if move on move on na masasaktan ka lang if didikit ka kay james kahit may new gf na siya and imbes makaheal ka lalo ka lang masasaktan gurl”

Ang sagot ni Nadine, “hindi ko kasalanan kung ang ‘relationship’ lang na alam mo is romantic.”

Hindi pa rin siya tinantanan ng mga basher at tinawag na laos at umaasa pa raw kay James.

“This Laos gurl is always feisty…” “Wala sa lugar being feisty nya kasi may point naman yung nagcomment… so if u are in a normal relationship, alin sa kind of relationship ang tinutukoy nya na hindi romantic na di pa rin sya maka move on at iniiyakan pa rin nya? Hahaha,” komento ng basher.

“At hindi cya nag deny na panay buntot at habol pa cya kay James. It’s pretty obvious that James doesn’t want her anymore and considers her as a friend only. Aasa ka na naman girl,” sabi naman ng isang netizen.

Dinedma na sila ni Nadine at hindi na sumagot pa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.