Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nadine naghuhumindig ang ‘dragon’

0 236

Maangas ang bagong tattoo ni Nadine Lustre sa kanyang braso.

Binahagi ng netizen na si Beth Barocaboc-Linga ang dragon tattoo ni Nadine na gawa ng Vimana Tattoo. Makikita ito sa FB account na Bacolod Tatooo Artist.

“Large piece for Miss Nadine Lustre. Salamat sa tiwala,” ayon kay Linga.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Maraming netizen tuloy ang hindi napigilang ikumpara si Nadine sa pelikulang ‘Girl With The Dragon Tattoo’, isang action film na pinagbidahan ni Rooney Mara.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagpa-tattoo ang Viva star. Mayroon na rin itong rose tattoo sa bandang pulso at may maliit ding moon tattoo. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.