Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nadine ‘nanigas utong’ sa snow

0 600

Ang award winning actress, trending topic muli ang pangalan niyang #Nadine Lustre. At bakit kaya umuusok na naman ang ngalan niya?

Ang babaing may lust sa apelyido, ang ganda-ganda kasi at nagluluningning ang mga mata habang nasa lugar na sangrekwa ang snow, huh!

Siyempre pa, maliban sa kanyang winter edition garb, ang kanyang best winter accessory ay ang jowa niyang si Christophe Bariou.

Ang pangkat katkatera naman, ang pinagdidiskitahan kasi nga totoong may niyebe sa lugar na pinuntahan ni Lustre.Ang tanong tuloy nila nagtigasan kaya ang mga utong nito under all the layered outfits? Juice colored! Pang-issue of national importance talaga ang tanong na ito.Hahahaha!

Anyway, nakatuon sa kanya ang lahat ng mga mata dahil sa paparating niyang pelikula, ang “Greed”.

Magkakaalaman na kasi kung pumantay o di kaya tinalbugan ni Lustre ang pelikula ng ibang nymphets na sina AJ Raval, Christine Bermas at iba pa. Makatikim kaya ito ng top 1 pagdating sa viewers ?

Siyempre pa tinatanong din kung lulutang at damang-dama ang pagka-aktres ni Nadine sa Yam Laranas directed movie.

Naway hindi lang siya sa nasabing online platform malakas kundi pati sa future television shows niya ay umariba rin ang digits, advertisers, appreciation at limpak-limpak na kikitain.

Leave A Reply

Your email address will not be published.