Abante Tonite Interactive

Nadine napaiyak sa break-up song

557

Hindi napigilang maging emosyonal ni Nadine Lustre sa performance ng dalawang contestants ng Your Moment sa episode last Saturday. The duo (Keren Lazaro & Mark Takeuchi) performed Jealous ng Labrinth na isang break-up song at talaga namang nakakaiyak ang lyrics nito.

Si Nadine ay isa sa mga judges ng Your Moment along with Boy Abunda and Billy Crawford.

What makes it more interesting, sina Keren at Mark ay dati ring magkarelasyon at kitang-kita rin sa kanilang panayam before the performance na masakit pa rin sa kanila ang break-up.

As we all know ay kagagaling lang din ni Nadine sa break-up with James Reid kaya naman hindi nakapagtatakang naka-relate ang aktres at halatang na-touch sa kanta.

After the performance, inamin ni Nadine na naramdaman niya talaga ang kanta.

“Iniiyakan ko rin kasi iyang song na iyan dati, hindi kasi, ‘yung meaning talaga niya, sobrang sakit talaga niya,” sey ni Nadine.

Tinanong naman siya ni Kuya Boy na nasa tabi niya kung para kanino ‘yun at sagot ni Nadine, “wala, wala!” at nagtawanan sila.

“No, no, in general, I’m just really an emotional person. Talagang napi-feel ko siya, eh,” paliwanag ni Nadine.

Piolo emosyonal sa ASAP

Naging emosyonal din si Piolo Pascual sa kanyang birthday celebration sa ASAP Natin ‘To kahapon habang nagbibigay siya ng kanyang pahayag hinggil sa Taal Volcano eruption.

Ayon kay Sarah Geronimo ay marami raw tinulungang pamilya si Papa P sa Batangas at ipinakita rin sa VTR ang ilan sa mga ito na nagpapasalamat sa kanya.

“Isa po akong Batangueno kaya nararamdaman ko yung paghihirap ng ating mga kababayan sa Batangas. Kaya po ako laging nandoon kasi it’s one thing to help but it’s also another thing to see how they are suffering, to see how their lives have changed because of what happened,” emosyonal na sabi ni Piolo.

Patuloy ng aktor sa garalgal pa ring boses, “wala pong may gusto nito. Kung meron man akong dasal, kung meron man akong gustong sabihin is, let’s just share love.

“Ipakita natin not just through giving but through praying for them, through being with them. Not just sympathizing with them, but also empathizing with them.

“At sana po, hindi magtapos ang pagtulong natin dito sa ngayon kasi, with all the uncertainties that have been happening around the world, napakahirap pong magbigay, napakahirap pong maging compassionate na tao.

“So, kailangan po nating hanapin sa puso natin ‘yung pagmamahal na sana po, mai-share natin hindi lamang sa mga biktima ng kalamidad kungdi sa napakarami nating kapamilya na nangangailangan ng tulong natin, hindi lang po ngayon, kungdi sa mga susunod pa.”

Noong Jan. 12 pa ang birthday ni Piolo na eksaktong araw ng pagsabog ng Taal. Kaya nga halos ayaw nga raw ng aktor mag-celebrate sa ASAP na for 20 years nang ginagawa ng nasabing show. Gusto raw sana ng aktor na gusto lang daw sana niya ng quiet time sa kanyang rest house sa Batangas.

Yam natakot kay Eula

Aminado si Yam Concepcion na sa lahat daw senior stars ng Love Thy Woman ay si Eula Valdez ang kanyang pinaka-idol. Simula nang mapanood niya ito bilang Amor Powers sa Pangako Sa ‘Yo ay hinangaan na raw niya ito.

“I remember noong una ko siyang makita, parang takot na takot ako sa kanya kasi, nakikita ko pa rin si Amor Powers. So, parang na-stuck na ako sa ganun’g perception sa kanya.

“But nun’g nakaeksena ko na siya and after how many taping days na, medyo naging comfortable na ako sa kanya and ang sarap, kasi sobrang generous din niya sa mga kaalaman niya sa pag-arte,” sey ni Yam.

Bale ba ay mag-ina ang ginagampanan nina Eula at Yam sa LTW kaya sila talaga ang lagging magkaeksena.

Sobrang amazed na amazed din si Yam na makatrabaho sina Ruffa Gutierrez, Sunshine Cruz, Christopher de Leon, Zsa Zsa Padilla, Kim Chiu and Xian Lim.

“Halos lahat sila nakaeksena ko na, and sobrang ang sarap ng pakiramdam saka parang hindi pa rin ako nakaka. . .parang it’s unbelievable na parang hanggang ngayon, parang ‘wow, amazing!’” sey pa ni Yam.

Sobrang grateful daw niya talaga na napasama siya sa cast kaya naman nagpapasalamat daw siya sa Dreamscape Entertainment unit ni Deo Endrinal.