Abante Tonite Interactive

Nadine nilinis ang pangalan ng ‘Pressman sisters’

672

Ni: Rona Ronda

Magmula sa pag-amin ng JaDine hanggang sa pagkakasangkot ni Issa Pressman sa hiwalayan ng celebrity couple, hindi na tinatantanan ng mga basher ang Pressman sisters.

Maging ang squad ng JaDine na kinabibilangan ni Sam Concepcion ay nadawit din. Sa kabila ng ipinupukol kay Issa ay nananatili siyang tahimik hanggang sa nagsalita na ang kanyang kapatid na si Yassi.

Sa Instagram ay sinabi niyang nanahimik umano ang kapatid niya sa kabila ng cyber bullying na natatanggap nito. Ibinahagi rin niya ang larawan nila ni Nadine bilang reaksyon sa iba’t ibang espekulasyon na kumakalat.

Bahagi ng kanyang caption, “this was me and nadz last night, watching how some of us become cruel over untrue statements. Initially we all laughed about how crazy the things that woke us up yesterday were, and then…. they started getting out of hand, at di na yun tama.”

Nagkomento si Nadine sa post bilang approval na walang katotohanan ang isyu. Tinag pa niya rito sina Yassi at Issa. Aniya, “Love u both.”

Kahit nanggaling na mismo kay Nadine na walang kinalaman si Issa sa isyu, patuloy pa rin ang mga fan sa pagkuwestyon sa isyu.

Komento nila:

@jadee.eedaj, “Pagsalitain mo ang kapatid mo kung totoong walang sila. Dami satsat di naman ang side mo ang need ng mga tao. Defend defend defend tsk.”

@senorita_jeanaa, “Explain about the videos. Much better to know the truth story. Para walang nagagalit na mga fan. Katotohanan lang kasi ang gusto nila para masatisfied sa breakup ng Jadine. Yung katotohanan na nasa videos and ilang pictures. TELL THEM THE TRUTH.”

@heysuezy, “ikaw na nga nagsabi na ‘They’re not always the truth’ so di rin ako naniniwala sayo.”