Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nadine ninakawan ng kaibigan

0 154

Ibinunyag ni Nadine Lustre na minsan na siyang nagkaroon ng kaibigan na ninakawan at ginamit lang siya para sumikat.

Sa isang panayam, kinuwento ng aktres ang pangit na karanasan tungkol sa kanyang dating kaibigan.

Aniya, marami na umano ang nagbabala sa kanya sa pagiging manggagamit at social climber ng hindi pinangalanang influencer.

Ayon kay Nadine, nakakuha ng maraming endorsement ang nasabing kaibigan dahil sa pagsama nito sa kanya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“That person used to be my friend. So everyone was telling me na she’s a social climber, na dumidikit lang po sa amin because may pangalan po kami and she also wants to get on the train. Eventually, she would get projects din, mga posting kasi she’s an influencer mga for posting, because she’s hanging out with us,” kuwento ni Nadine.

Pero, ang pinakamalala umanong ginawa nito ay ninakawan siya ng pera maging ang iba pa nilang kaibigan.

“And then it got worse kasi we found out na nagnanakaw na po siya ng pera. There was this one time na I had money in my room and biglang nawala po ‘yung pera. It so happened na she was the only one who went inside the room,” dagdag pa nito.

Samantala, tumanggi naman si Nadine na pangalanan ang nasabing dating kaibigan na influencer. (Sherrylou Nemis)

Leave A Reply

Your email address will not be published.