Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nadine pakipot sa bagong BF

0 151

Ang mga inggitera naningkit ang mga mata. Ang mga katkatera naman, nagdabog ang bangs dahil nga ang babaing may lust sa apelyido, si Nadine Lustre, hindi nila matagalan ang ginagawa nitong pahara-hara sa kung saan-saan.

At ang isyu pa para sa mga kulang na kulang sa pansin, holding while walking ang babaing kayumangging kaligatan kasama ang ka-close nitong si Christophe Bariou .At yes oh yes, may bitbit silang shopping bags mula sa isang mamahaling Japanese clothing at lifestyle brand.

Si Nadine naman, masyadong gaya-gaya, puto maya sa holding hands while walking ni Vivamax sex kitten AJ Raval at Aljur Abrenica, huh! Sana naman mas shala ang paandar niya like makikitang sila ni Monsieur Bariou na fine dining sa isang expensive and swanky restaurant while toasting their champagne glasses. O, kaya, sighted sa isang jewelery shop na famous for diamonds while trying out a couple’s promise ring perhaps? Or puwede ring necklace o kaya itodo na ang pagmamaganda, a diamond tiara, hindi ba naman?

Ang diva that you love, ang pakiwari kaya big deal para sa mga nagmamasid ang mga kahanapan kay Nadine eh kasi nga, wala pang pormal na pag-amin sa kung ang meron sila nitong si Monsieur Christophe.

Ngayon kasi, hindi na puwede ang mga dramang what you see is what you get. Tapos, aamin na lamang pag hiwalay na. May precedent rin si Lustre na bonggang-bongga ang sharing niya sa nakaraan niyang kaligayahan at karelasyong si James Reid. So, ang ganitong “I am entitled to my privacy even if I am a public figure” eh alien concept para sa kanyang mga tagasubaybay .Mang-ookray sila kasi she is known to be always truthful lalo na pag tungkol sa matters of coupling. ‘Wag na pakipot sa bagong dyowa.

Kaya Nadine kung gusto mong huminto ang mga haka-haka at mga malisyosong pakiwari, umamin na kasi at ipagsigawan na “Oo, Christophe Bariou is my lover.” Eh di tapos! Kwentas claras! Agad-agad!

Willie atras mala-Dolphy

“Madaling tumakbo eh paano kung manalo?” Ito ang pamosong tugon ni the late great Comedy King Dolphy sa tanong na kung bakit kahit marami ang humihimok kanya na pasukin ang mundong politikal, eh mariin a ang pagtanggi niya . Kahit sinasabi pang malakas ang laban niya sa political arena.

Ang diva that you love, naalala ang tugon na iyan ni Dolphy, matapos tuldukan ni Willie Revillame ang “panawagan” sa kanya na hinog na ang panahon at pagkakataon para siya ay maging mambabatas.

Sangrekwa at panmalakasang alipusta at aglahi ang tinanggap ni Revillame matapos pumutok ang balita na may lambing ang mga the best and the brightest na siya ay lumaban sa pagiging senador.

SM food to go Banner Ad

Mababasa sa social media sites ang paliwanag ng Wowowin host ang mga dahilan kung bakit hindi niya tatahakin ang landas politikal.

Sa true lang, kahanga-hanga ang desisyong ito ni Willie. Nakatuntong ang kanyang mga paa sa lupa at alam niya ang kanyang mga kahinaan. Alam niyang ang kanyang kalakasan ay magbigay ligaya at pag-asa sa mga manonood sa kanyang palatuntunan. Alam niyang ito ang tamang pamamaraan para mailapit ang tulong at maipadama niya ang tunay na malasakit sa kanyang kapwa Pilipino.

Ngayong ipagpapatuloy ni Revillame ang kanyang adhikain sa kanyang programa na saya at pag-asa ang dala.Dasal nating lahat siyempre ang patuloy niyang tagumpay bilang host .

Mabuhay ka at salamat Willie Revillame dahil alam mong sagrado ang pagtakbo .Ang pagiging senador ay talagang pinaghahandaan ng talino at kaalaman sa pagsusulat. Pati na rin ang paglikha ng mga batas na mapoprotektahan ang buhay at kapakanan ng mga Pilipino.

Andrew patakam sa bathtub

Maraming diwata at sirena ang natilam-tilam kay Andrew Gan. Kasi nga, may bathtub scene para sa second episode nito sa BL dramang “Limited Edition,”

Ang mga maricon na may armpit hair fetish, siyempre pa, tulo laway ang mga hitad dahil kitang-kita ang malagong buhok ni Gan sa kanyang kili-kili.

Ang mga straight acting pamhinta naman, nagpuslitan ang kanilang precum kasi nga in full display ang makinis at huggable na katawang pangromansa ni Andrew.

Ang suwerte-suwerte naman ni Jomari Angeles, huh! Siya ang object of action at parang desire ni Andrew sa BL na may Saturday night showing sa YouTube.

Leave A Reply

Your email address will not be published.