Abante Tonite Interactive

Nadine pampagising ni James

629

Vinia Vivar

Viral ngayon ang video ng sorpresang pagbisita ni Nadine Lustre sa taping ng “Idol Philippines.” Isa sa mga judge nito ang boyfriend niyang si James Reid.

Sa video ay makikitang naka-break ang show habang nagti-taping. Tinanong ng isa pang judge si James kung kumusta na ang pakiramdam nito at sagot ng aktor, “just sleepy.”

Paliwanag sa voice over, sa haba raw kasi ng oras ng auditions, tinatamaan na ng antok si James at makikita nga namang inaantok ang aktor.

Sabi ni Vice, “meron akong pinabili diyan na iniinom ko na nakakagising.
Effective. ‘Yun nga lang kapag ininom mo iyon, gising na gising ka.”
Obviously, alam ni Vice Ganda na nasa studio si Nadine.

Habang lumalapit si Nadine na hindi pa nakikita ni James, sabi ni Vice, “ayan na yata, pakikuha.”

Nang nakalapit na si Nadine sa likod ni James ay saka lang siya nakita ng aktor na halatang nagulat.

Nagyakap ang mag-sweetheart at sey naman ni James kay Vice, “so you were messing with me again” pero makikitang halatang masaya ang aktor.

Sabi ni James kay Nadine, “I missed you” at sinagot naman ito ng aktres ng “how are you feeling? I missed you too.”

Sagot naman ni James, “I’m good, I’m gonna be better.”

Dumating si Nadine sa studio fresh from Indonesia at sey nga niya mula sa airport ay sa set siya agad dumiretso.

After nito ay makikitang nawala na ang antok ni James kaya tama ang sabi ni Vice, effective nga ang pampagising sa aktor. Needless to say, si Nadine ang energy ni James.

Loisa ayaw isipin si Ronnie sa future

Inamin ni Loisa Andalio na hiwalay na ang kanyang parents sa presscon ng digital series niyang “Past, Present, Perfect?”

Natanong kasi sa cast ang tungkol sa mga past experiences nila na hindi pa alam ng public at ito ang ibinahagi ni Loisa.

“Sa akin po, sa past na hindi niyo pa alam, siguro sa parents ko rin, hiwalay na sila. Bago lang, ngayong March lang,” ani Loisa.

“Tapos ngayon, ‘yung sa present, masakit siya, pero parang tinuruan akong maging matibay bilang ako ‘yung breadwinner sa family namin.

“Hindi ko puwedeng ipakita sa family ko na siyempre, apektado ko. Pero ‘yun ang nagpapa-strong talaga sa akin ngayon. Hindi mo puwedeng dalhin sa trabaho ang personal life mo,” pahayag pa ng dalaga.

Pagdating naman sa future, natanong si Loisa kung ang boyfriend na si Ronnie Alonte na kaya ito, at sagot ng young actress ay tingnan na lang daw natin.

“Tingnan natin, sana, kasi, ‘di ba, maganda ‘yung parang hindi mo na iniisip ‘yun?” sey niya.

Heart inuna ang proyekto sa mga hayop

Desidido si Heart Evangelista na ituloy ang plano niyang pagtatayo ng parang shelter for animals sa Sorsogon na pinamumunuan ngayon ng Governor husband na si Chiz Escudero.

Noong kapapanalo pa lang ng mister niya ay nabanggit na ni Heart sa isang interview ang plano niyang ito and one month later, heto’t may hakbang na siyang isinagawa.

Nag-post si Heart ng larawan niya habang nakatayo sa isang madamong lupa at sa caption, aniya ay ito raw ang site na pagtatayuan ng shelter.

“As you all know, I’ve always had a soft spot for animals and it’s a dream of mine to be able to do more to champion their welfare. This will be the site of one special endeavour that is near and dear to my heart— building a facility which provides services such as spaying, neutering, tagging and shots, and a community that welcomes animals and treats them with love.

“This is step one and I am already brimming with excitement for this special project and I can’t wait to finally turn this dream into reality! Doing this one step at a time until we get there. I am very honored to be part of what Sorsogon is building,” ang caption ni Heart.

Marami namang netizen ang natuwa sa post na ito at may mga nag-offer na nga na kung kailangan ni Heart ng volunteers ay willing sila.