Abante Tonite Interactive

Nadine pasaway sa promo?

0 857

May attitude problem nga kaya talaga itong si Nadine Lustre? How true ang chikang binulong sa diva that you love, na tamad-tamaran daw itong mag-promote ng kanyang mga project dahil hindi niya nga ba bet ang mga kasama niyang artista sa pelikula?

How true rin na dapat para sa kanyang mga pelikula, may request sa kanya na mag-provincial mall shows? May pagmamaganda nga ba si Lustre, tumanggi nga ba sa provincial shows at mas pinili ang mga mega at Metro Manila malls lamang siya aapir? At may emote nga ba itong ang kanyang mga fan, isama pa ang supporters ni James Reid, susuportahan ang kanyang mga movie offering?

Kamusta naman ang “Ulan” at “Indak,” naging box-office hit ba, Bb. Lustre? Ang attitude niya nga bang ito ang totoong dahilan kaya hindi na lang siya sinama sa MMFF movie na “Miracle in Cell No. 7” na dapat kasama niya si Aga Muhlach?

Na ang sinasabi niyang mas aalagaan niya ang kanyang health ay isang kuwentong sinulat lang sa tubig at hindi totoo?

Huwag naman sanang totoo na grabe ang pagbabago at pag-iinarte ni Lustre kasi sayang naman ang kanyang mga best actress trophies kung lumaki na agad ang kanyang ulo. Kahit hindi niya aminin, ang estado ng mga karera nila ni Reid ay no longer hotter than hot at ang kakarampot na lang nilang mga fan ang kinikilig at tuwang-tuwa pa sa kanilang mga out of town or sa ibang bansa rendezvous.

Si James, nga wala na sa dati niyang pamunuan, in limbo ang karera. May makakapagsabi ba kung ano ang next movie or television drama project niya? Sapat na ba may commercials siya sa boob tube para masabing sikat at nararamdaman pa ang kasikatan niya?

Hindi naman kaya nagmamaganda si Lustre eh gusto niya na ring mag-volt out sa kanyang pamunuan at sumama kay James sa dako pa roon? Na she’d rather be with her man than be with some people na wala siyang choice kundi makipagmabutihan na bordering na pala sa plastikan?

Ang daming tanong, tanging si Nadine Lustre lang ang makakasagot. Sana lang, tandaan niya ang laging sinasabi ni Heidi Klum na, “one day you’re in, the next day you are out,” at hindi lang iyan sa fashion, mas lalo sa showbiz, huh!

Lalaki ni Babajee katakam-takam

Dahil sa “Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS)”, ang komedyanteng si Babajee, biglang naging talk of town at muntik na talaga siyang maging baklang diyosa ng pag-ibig, huh!

Kasi naman, pasabog ang segment niya sa KMJS kung saan mapapanood na tila may narahuyo sa kanyang binatang muy bello na Italiano, si Ciro Tarallo na isang model.

Juice colored! Kung sino man ang nakaisip na bigyang segment si Babajee at si Ciro, dapat palakpakan at batiin na bongga ang fairy tale na kanyang hinabi at ipinalabas. Pang-love team ang lanturan. Damang-dama ni Babajee na siya na ang pinakamagandang bakla sa entire universe dahil nga ang kanyang lalaki, hindi lang foreigner, bata, sariwa at talagang katakam-takam.

Kung sa bandang huli inamin nila na they are in a relationship, tiyak maraming mga bakla ang hindi lang magdadabog ang bangs, baka may chance na maglaslas pa. Charot! Hahahahaha!

Ang nakakatuwa sa episode, ipinakita kung paano ka-emotionally mature at healthy ang relatively young Italian. Imbes na mainis, kinatuwa niya pa na polarized ang mga tao sa photo postings nila ni Babajee.

Alam niyang may naiinggit, may nagtataka, may mga lumalait sa kanyang kaibigan pero para sa kanya, “looks does not matter.”

Very pang-“Little Prince” ang kanyang attitude na summed up sa lines na: “It is only with the heart that one can see rightly; what is essential is invisible to the eye..”

Hindi ba ang tagong ganda at inner pagkababae ni Babajee ang damang-dama at gustong-gusto ni Ciro na bago niyang kaibigan.

Sa true lang tayo, nakalma ang diva that you love matapos aminin nila Babajee at Ciro na sila ay “friends”. For now ba lang muna ang friendship o maaari itong mag-deepen at maging romantic relationship?

‘Pag sila ay naging “sila”, isa itong patotoo na love truly wins at yes, ang susi para sa pangmalakasang kaligayahan, ay ang mga afam. Deadma na tayong lahat sa mga Pinoy. Afam, afam para sa kaligayahan! Hahahaha.

Deborah dapat ma-rehab

Nakakalungkot ang mga balita tungkol sa mga seasoned stars. Ang mahusay na character actress, si Deborah Sun, timbog sa isang buy-bust drug operations.

Ang ama naman ni Zoren Legaspi, at lolo nina Maverick at Cassie, si Lito Legaspi ay sumakabilang buhay na dahil sa cardiac arrest.

Kay Ms. Sun, nawa’y ma-rehabilitate ito at kung sino man ang kaanak at mga kaibigan, ito’y tulangan para ma-reform at maiayos ang masalimuot na buhay.

Pakikiramay naman para sa mga Legaspi. Yakap na mahigpit sa pamilya nina Zoren at Carmina Villarroel-Legaspi.