Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nadine ‘pinaglaway’ si James

0 103

May dalawang larawan sa Instagram ang babaing may lust sa apelyido, si Nadine Lustre .’Yan dahilan kung bakit ang mga barako, hindi napigil ang init.

Sa whole body posing for posterity ni Nadine, kitang-kita ang hubog ng kanyang oh-la-la body beautiful na ang tanging saplot lamang ay sky blue, two piece bikini.Kalahating milyong mahigit ang appreciation sa kanyang IG photo post.

‘Yung pangalawang larawan naman kung saan ang emphasis sa picture ay ang kanyang bosom, bewang at kulay na kayumangging kaligatan, halos in the 500K mark na rin ito.

Patotoo ang mga larawan na ang motto ni Bb. Lustre sa kasalukuyan na living devastatingly beautiful is her best revenge .Ang alindog niyang nakakarahuyo ay tila pahiwatig na “belat sa iyo James Reid, I don’t love you anymore kaya maglaway ka!”

Siguradong nasilayan rin ni Ginoong Reid ang mga larawang elya inducing, ano nga kaya ang opinion niya pangyayaring ito?

At ang bagong beau ni Nadine Alexis na si Christoph Bariou na French gentle na sa cosmopolitan and cultured, ay tiyak na isa sa malaking dahilan kaya namumukadkad ang pagiging babae at pagkababae nito. Proud jowa kaya si sir Barou sa bikini pasabog ni Lustre?

Whatever is the case, hindi maikakaila na very strong pa rin ang social media presence ni Nadine .

Related Posts

Ang kanyang mga pagkilos ayon sa kanyang ganda eh talaga namang marami ang nabubuhay ang pagnanasa.

Panalo ka, ning!

Alden trending ang pasasalamat

Super trending ang #Alden Richards sa Twitter. Ang kanyang video interview ang dahilan na walang halong pag-iimbot at buong katapatan ang pasasalamat sa kanyang fans.

Talaga namang kung panatiko ka ni Richards, hindi mo maiiwasang mag-melt like a marshmallow ang iyong puso. Ito’y dahil nga sa mga pinahayag nito. Ini-isa niya ang mga effort at sakripisyo ng mga sumusuporta sa kanya.

Para sa ginoong best in biloy, kung anuman ang mga nangyari sa kanyang karera, mula noon hanggang sa kasalukuyan ay dahil sa suporta mula sa kanyang mga tagasubaybay.

Kaya nga ang pangmalakasag trending topic kasi nga in this day and age, kadalasan ang iba, “lip service” at “pakitang tao” ang pagpapahalaga sa kanilang fans .Pero kay Faulkerson Jr., damang-dama mo talaga ang sinseridad at alam na alam mong mula ito sa kaibuturan ng kanyang puso.

Kaya nga walang duda, ngayong magsisimula na ang shooting nila ni Bea Alonzo para sa pelikula nilang “A Moment In Time” ay sangrekwaang Aldenatics ang itotodo ng kanilang pagvo-volt in . Bet nila itong mangabog ito sa takilya. Gusto nilang lumikha ng kasaysayan sa inaabangang pagsasama nina Alonzo at Richards.

Leave A Reply

Your email address will not be published.