Abante Tonite Interactive

Nadine pumalag sa panggigipit

910

Ang pinakamahusay na aktres sa kanyang kapwa reynang sina Kathryn Bernardo at Liza Soberano, si Nadine Lustre, trending sa Twitter .Kinabog pa nga niya ang trending topic na patalsikin ang poon, huh.

Ang dahilan kung bakit maraming nagpapalakpakan na may kasamang pagbubunyi at sigawan sa nakalipas na binabalik-balikan ni James Reid, ay ang pahayag niya na: “#COVID19 pandemic has exposed the government for what it really is. The people need help, compassion (minus Koko), and transparency not threats and lies.”

O, hindi ba, on point, may sense at pagkatapang-tapang. Marami nga ang nagbibirong dapat na itong tawagin bilang President Nadine, huh!

Sa mga netizen naman na hinahanap-hanap siya at inuurat matapos ang quote na attributed sa kanya, ang kanyang mas nagmamataray na reaction: “Yung P275 billion ang hanapin niyo, ‘wag ako. Kaloka.”

Bull’s eye! Pahiyang-pahiya na naman ang mga naggaling-galingan at nagmamarunong na bano rin naman talaga sa kaalamang political.

Pag laging ganito si Nadine Lustre na walang katakot-takot na mapahayag ng saloobing mula sa puso at totoong-totoo, mas lalong darami ang kanyang mga magiging tagahanga.

Si Nadine na ba millennial Sister Stella L, as in Lustre at pag sinabi niyang, “Kung hindi tayo kikilos, sino ang kikilos? Kung hindi ngayon, kailan pa?” eh talagang susunod tayo, makikibaka at hindi matatakot?

Ang ex-dyowa niyang parang hindi niya naman talaga ex, si James Reid, ikinalulugod niya kaya ang mga matatapang na pahayag ni Nadine Lustre? Siguro naman!

Heart Imeldific, insensitive sa paandar

Iba ka talaga, Love Marie Ongpauco-Escudero na mas minamahal natin bilang si Heart Evangelista. Raised niya talaga ang laban at pagmamaganda to its most glamorous level at yes oh yes, tinapos na naman niya ang laban sa Tiktok.

Sa true lang, ang kanyang videos na may more than ten outfit changes, habang nagwawalis sa labas at naglalaba, maglalaway ka sa mga suot-suot niyang mamahaling mga kasuotan. From cocktail dresses, evening gowns, corporate chic suits na alam mong branded kung branded, imported at made by the leading fashion brands.

Juice colored! Ginawa niya ring runway ang treadmill. Full cardio work-out in to-die-for stilettos at mga damit na aspirational para sa ating mga sojo (sosyal na jologs) dahil parang ang wardrobes na sinuot ni Evangelista, isama mo pa ang mga yayamaning sapatos na kanyang ginamit sa kanyang dalawang Tiktok bidyo, if we get to compute how much ang costing, baka pwedeng pangkain of an economically disadvantaged family of eight na good for two years, at five meals a day yun na pulos pang busog – lusog, huh!

Siyempre pa, ang mga dalahira, katkatera at inggitera, raratratin na naman si Love Marie sa kanyang pagiging very Imeldific at insensitive sa mga pangyayari sa kapaligiran.

Si Heart talaga ang nakikita at sinisisi, siya ang may kasalanan? Bakit kaya hindi niyo muna uratin ang poon kung nasaan na nga ba talaga ang P275 billion lalo na nga’t mas marami pa rin ang hindi nakakaramdam ng ayuda at kumakalam na ang mga sikmura sa gutom, huh!

Sa true lang, ang diva that you love, aliw na aliw sa paandar na ito ni Heart Evangelista dahil nakaka-good vibes talaga. Nakakagaan sa kalooban. Nakakawala ng bagot at pagka-bwisit.

Alfred, nagpasalamat sa mga kaibigang artista

Sa isang IG video post, nagpasalamat si Cong. Alfred Vargas sa tinagurian niyang good samaritans, mga kaibigang artista na hindi nagdalawang isip na magbigay ng tulong para maipagpatuloy niya ang nasimulang feeding program.

Ang mga naging katuwang ni Alfred ay sina Dindong Dantes, AiAi delas Alas, Rocco Nacino at dyowa nitong si Melissa Gohing, direk Mark Reyes, direk Mac Alejandre, Marvin Agustin, Diana Zubiri, Glaiza de Castro. Solenn Heussaff, Carmina Villaroel, Marco and Precious Lara Alcaraz, Dimples Romana, Rodjun and Diane, Patricia Tumulak, Carlene Aguilar, Dimples Romana, at Shaina Magdayao.

Bilang pagtatapos, sinabi ni Alfred: “Naniniwala po ako na itong pasubok na ito ay kayang-kaya nating lagpasan at tatalunin natin ang virus na ito. Stay safe always and God bless us all.”

Tonite – Wendys Inhouse Ad