Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nadine ramdam ang pagkalaos

0 1,831

Dahil nga sa feeling niya may pribelihiyo na siyang magsuplada at kumikilos siya ayon sa kanyang ganda, ang mga ito ay nauwi sa demandahan mula sa mga namamahala ng kanyang karera.

Damang-dama na ang pagkalaos ni Nadine Lustre.

Tanging sa kanyang social media sites na lamang siya visible with pictorials.

Hindi na siya brand ambassador of the swimwear of the international clothing line. At ang mga kanta niya under the label of her jowa turned record producer, parang sila-sila lang ang may alam tungkol dito. No airplay sa radio stations. No buzz sa mga pahayagan. At kahit nga sa social media kung saan she is considered one of the darlings, parang everyone is looking the other way at ayaw makinig sa boses niyang by the power of auto tune ang dahilan kaya inakala niyang she has what it takes to sing.

Ayon sa diva that you love’s impeachable source, anxious at stressed na ang babaing may lust sa apelyido dahil walang dumarating na pangmalakasang mga proyekto. Walang TV network na sumusugal na siya ay kunin. At mas lalong walang producer ng mga pelikula na maglalakas ng loob na siya ay i-cast dahil nga madedemanda rin sila.

High flying adorned ang kanyang lifestyle simula nung siya ay sumikat at kung meron man siyang naitabi for the rainy days, tiyak hindi na ito as liquid as before.

May solusyon pa ba para hindi matuloy ang kanyang pagiging laos? Hindi na dapat ituro pa ka kay Nadine Lustre ang kanyang dapat gawin. Pinangangatawanan niya ang kanyang desiyon kaya tingnan na lang natin kung gaano pa ang ihahaba ng kanyang pisi.

Ang diva that you love, nanalig na welcome na welcome siya sa Legue of Extra Ordinary Has Beens.

@@@
Jasmine sabik na kay Alden

Pag artista kang maganda at talaga namang best in acting, hindi ka magiging luhaan. Hitsurang may krisis dahil sa pandemya, hindi ka magiging frozen delight. Ganiyan ang kaganapan kay Jasmine Curtis Smith na super grateful na may bago siyangg drama seryeng gagawin, ang
“The World Between Us.” Ang drama ay isa sa 100 bagong palatuntunan na mapapanood sa telebisyon na mula sa istasyon sa Kamuning.

Ang mas bonggang kaganapan sa show ni Jasmine, muli nila itong pagsasamahan ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang taray ni Bb. Smith. Nakakasabik naman talaga ang tambalan nila ni Richard.

Tanggap na nating lahat na si Jasmine eh ang the Curtis who can act at si Faulkerson Jr. ay isa sa pinakamahusay na aktor ng kanyang henerasyon.

Ibang klase ang chemistry nina Jasmine at Alden, eh. Hindi lang spark ang hatid. May sizzle! At maniniwala ka talagang nagmamahalan sila kahit pa nga alam mong umaarte lang sila.

Ang diva that yove, tanda na dapat may pelikula silang gagawin na sila ang bida na dapat kay direk Mike Tuviera. Matuloy pa kaya iyon? Sana naman.

Kapag silang dalawa ang gumawa ng pelikula parang dapat parang “Love Story.” “Somewhere In Time” o kaya para kabugan talaga sa acting “Broken Marriage” o “Hihintayin Kita Sa Langit.”

“Always a joy to be working with a fine actor like him” ang kuda ni Jasmine tungkol sa pagsasama nilang muli ni Alden .

@@@
Young actor maharot sa mga bading

Marami palang mga bading na bet na bet si Dave Bornea. The WHO si Dave Bornea? Iyun na! Hahahaha.

May sitsit kasi na itong si Bornea kapag kasama raw sa mga show na may taping sa Kapuso network, eh sadyang mapaglaro at maharot umano sa mga bading. True kaya?

Kaya pala laging most requested itong si David Bornea ng mga diwata at sirena na sana eh maipasama sa mga proyektong kasali sila kasi happiness sila sa pr nito, huh!

Leave A Reply

Your email address will not be published.