Abante Tonite Interactive

Nadine, Sarah, Judy Ann, Anne, Glaiza, Iza mahigpit ang labanan sa Star Awards

584

MILDRED BACUD: Iba rin naman ang panlasa ng The Philip­pine Movie Press Club, Inc. para sa 35th Star Awards For Movies. Kabilang kami nina Rommel at Rodel sa opisyal ng PMPC.

Sa hanay ng mga nominado sa kategor­yang Movie Actress of the Year, kung sa ibang award-giving body ay hindi napansin ang akting ni Kathryn Bernardo sa pelikulang “The Hows Of Us,” dito ay nominado siya. In fairness, umangat siya dito at napaiyak tayo. Hindi na siya ang dating Kath­ryn na nagpapa-cute at kinakain ang sinasabi. Kakaibang Iza Calzado rin ang napanood natin sa “Distance” na gumanap siya bilang lesbia­na. Sa dalawang pelikula naman ni Anne Curtis this year, mas tumatak ang role niya bilang alagad ng batas sa “BuyBust” na hard action talaga. Iba rin ang ipinakita ni Glaiza de Castro sa “Liway” bilang rebeldeng nakulong nang matagal during Martial Law days kasama ang pamilya. Pinaiyak naman tayo nang husto ni Alessandra De Rossi sa “Through Night And Day” kung saan nagmarka ang pagpapakalbo niya para lamang sa pelikula. Matagal na ring gumagawa ng pelikula si Sarah Geronimo pero iba at level up ang acting niya sa “Miss Granny.” Ang tanong: maging grandslam queen kaya si Nadine Lustre sa “Never Not Love You?” Kung magkakataon kasi at kung mananalo siya dito ay pangatlo niya ito. Sinorpresa rin naman tayo ng mga bete­ranang sina Gina Pareño (Hintayan Ng Langit) at Gloria Romero (Rainbow’s Sunset). Pero may Judy Ann Santos (Ang Dalawang Mrs. Reyes) pa kung saan pinakita niya ang versatility niya sa drama at komedya.

Mga friends, mahigpit nga ang laban. Ganoon din sa Movie Actor of the Year. Marami ang sinorpresa ni Ogie Alcasid (Kuya Wes). Napasabak siya sa serious acting o drama. Si Nonie Buencamino (Distance) ay consistent ang husay. Pero aminado kami na napahagulgol kami sa acting ni Paolo Contis sa “Through Night And Day.” Hindi rin naman papakabog si Dingdong Dantes sa “Sid And Aya: Not A Love Story.” Kahit naman may edad na ang isang Eddie Garcia sa pelikulang “Rainbow’s Sunset,” wala pa ring kupas si Manoy na guma­nap bilang gay. Nakita naman natin ang comi­c side ni Coco Martin sa “Jack Em Popoy.” Subdued acting naman ang ipinamalas ni Daniel Padilla sa “The Hows Of Us” pero damang-dama ang emosyon ganu’n din si Pio­lo Pascual sa pelikulang “Ang Panahon Ng Halimaw.” Sumasabay na rin sa aktingan si James Reid sa “Never Not Love You” at hindi naman kailanman naging kuwestyon ang husay sa komedya at drama ni Vic So­tto sa pelikulang “Jack Em Popoy.”

RODEL FERNANDO: Kung matindi ang labanan sa Best Actor at Best Actress ay ganoon din sa Suppor­ting Actor at Actress of the Year.

Talaga namang magagaling lahat tulad ni Art Acuña sa pelikulang “Goyo: Ang Batang Hene­ral” na hindi matatawaran ang ipinamalas niyang pag-arte sa pelikula.

Si Arjo Atayde naman para sa “BuyBust” na bagama’t maiksi lang ang role sa pelikula ay napakahusay niya. Siyempre pa, ang FAMAS Best Supporting Actor na si Joem Bascon sa movi­e na “Double Twisting, Double Back” ay magaling din.

Hindi rin matatawaran ang husay ni Tirso Cruz III sa pelikulang “Rainbow’s Sunset” at Gabby Eigenmann sa “Citizen Jake.”

Umagaw din ng pansin si Teroy Guzman ng “Citizen Jake” at si Tony Labrusca sa ML movie. Kahit baguhan ay nakipagsabayan kay Eddie Garcia.

Ang direktor na si Joel Lamangan ng “School Service” ay isa rin sa mga nominado na nakaka­gulat ang perfor­mance sa naturang pelikula habang si Jeffrey Quizon ng pelikulang “Goyo” ay kakaiba ang ipi­nakita, gayundin si Aaron Villaflor ng “Mamu And A Mother Too” ay napatunayang muli na isa na siyang aktor.

Para naman sa Katuwang na Aktres. Nominado ang magaling na ring umarte na si Ria Atayde (The Hows Of Us) at ang mahusay na stage and film actress na si Angeli Bayani (Wal­wal). Nandiyan din si Max Collins (Citizen Jake). Makakatunggali rin nila si Sunshine Dizon (Rainbow’s Sunset).

Hindi rin patatalbog si Jean Garcia (The Hows Of Us) lalo na si Cherie Gil (Citi­zen Jake). Matalo kaya ni Therese Malvar (Distance) ang mga betera­nang aktres o mapupunta kay Aiko Melendez (Rainbow’s Sunset) ang trophy? Malay natin, isa pala sa mga senior star ang mag-uuwi ng award tulad ni Daria Ramirez (Signal Rock) o si Nova Villa sa (Miss Granny).

RONA AVECILLA: Hindi lang ang mga batikang aktres at aktor sa industriya ang paparangalan dahil sa natatangi nilang pagganap sa pelikula. Maging ang mga artistang first time sumabak sa movie.

Kabilang sa mga nominado sa New Movie Actor of the Year ay sina Ricci Rivero at Danzel Fernandez (Otlum). Ito ang kauna-unahang pelikula ni Ricci at pinatunayan niya na hindi lang sa larangan ng basketball siya napansin. Nomi­nado rin si Darren Espanto dahil sa kanyang pagganap bilang kapatid ni Kathryn Bernardo (The Hows Of Us). Mabibigat naman ang ka­rakter ng ilan pang nominado gaya ni Tony Labrusca na tinorture ang role sa pelikulang ML at ang ma-aksyong pagganap ni Brandon Vera (Buy Bust). Maging si Atom Ataullo ay nominado rin sa crime drama film niya (Citizen Jake). Bukod sa kanila, first time din sa pelikula nina Dennis Garcia (Hapi ng Buhay) at Iyah Mina (Mamu and a Mother Too). Mapa­lad rin na napabilang sa nominado sina Donny Pangilinan (Walwal) at si Ryle Santiago naman sa “Bakwit Boys.”
Sino naman kaya sa mga baguhang artista sa pelikula ang makakasungkit ng New Mo­vie Actress of the Year? Nominado si Garie Concepcion na bumida sa kanyang first movie na “The Least.”

First lead role rin ng beauty queen na si Winwyn Marquez ang pelikula niyang “Unli Life.” Nakakapag-init naman ang ipinakita ni Sanya Lopez sa pelikula niyang “Wild And Free.”

Matindi ang magi­ging labanan sa kategor­yang ito. Kabilang din kasi sa mga nominado sina Ali Forbes (Rainbow’s Sunset), Iana Bernandez (Gusto Kita With All My Hypothalamus), Mai Fanglayan (Tana­bata’s Wife), si Mia Suarez (Hapi Ang Buhay) at si Gabby Padilla (Billie and Erma). Masusungkit kaya ng mga nominadong young actress na sina Hea­ven Paralejo (Harry and Patty) at Kisses Delavin (Wal­wal) ang New Movi­e Actress of the Year Award?

ROMMEL PLACENTE: Pawang magagaling din sa kani-kanilang pelikula ang mga nominado sa Movie Child Performer of the Year na sina Harvey Almoneda (The Lease), Noel Comia, Jr. (Rainbow’s Sunset), Jill Demski (The Lease), Ma­ckie Empuerto (Bakwit Boys), Miel Espinoza (Pan De Salawal), Alessandra Malonzo (Distance) at Kenken Nu­yad (Liway). Sa pelikulang “Liway” ay guma­nap dito si Ken bilang si Dakip, na anak ng bidang si Glaiza. Marami siyang eksena rito na talagang lumutang ang kanyang pagganap. Siya na kaya ang piliin ng vo­ting members ng 35th PMPC Star Awards For Movies na tanghaling Movie Child Performer of The Year o ibigay nila ito sa ibang mga nominado? Si Noel Comia Jr., na gumanap bilang si Rufus sa “Rainbow’s Sunset”, na apo ng bidang si Eddie, na isang pasaway. Na­ging Best Child Actor na sa Cinemalaya 2017, para sa role niya sa “Kiko Boksingero”, madag­dagan kaya ang acting award niya kung siya ang mana­nalo bilang Movie Child Performer of the Year sa Star Awards? Si Mackie Empuerto, na member ng TNT Boys, na pinatunayan niya na hindi lang siya isang magaling na singer kundi magaling ding aktor, dahil sa pagkakanominado sa nasabing kategorya para sa role niya bilang si Sonny, na main vocalist ng bandang Bakwit Boys, na title din ng kanilang pelikula, maging proud kaya ang dalawa ni­yang kagrupo sa TNT Boys na sina Keifer Sanchez at Francis Concepcion, kung siya ang mag-uuwi ng Movie Child Performer of the Year trophy? Pero kung sino man among the nominees ang mananalo ay masasabi namin na talagang deserving.

Ang mga nominado naman sa Movie Ensemble Acting of the Year ay ang mga pelikulang Buy Bust – Reality Entertainment and Viva Films; Goyo: Ang Batang Heneral – TBA Studios and Globe Studios; Rainbow’s Sunset – Heaven’s Best Entertainment; at Signal Rock – Regal Entertainment and CSR Productions.

Apat na pelikula lang ang pumasa sa panlasa ng 35TH PMPC Star Awards For Movies sa kategoryang ito.

Ang 35th PMPC Star Awards For Movies ay nakatakdang ganapin sa Newport Perfor­ming Arts Theater, Resorts World Manila, sa ika-2 ng Hunyo, 2019.