Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nadine swabe sa bikini

0 329

NI: ALWIN IGNACIO

Best in psy war rin itong si Nadine Lustre. Alam naman natin na sa pamamagitan ng kanyang legal counsel, go for gold ang pagkasa laban sa dati niyang pamunuan.

At ano ang ginagawa niya para takamin ang kanyang mga tagahanga at ipamukha sa kanyang pamunuan na ito ba ang babaing pinaparasuhan niyo? Ang babaing kayumangging kaligatan, hala, ang pagbuyangyang sa kanyang seksing pangangatawan.

Alam naman natin na may isang international clothing brand na swimwear apparel ambassadress itong si Lustre at sa pinakabago nga nitong photo para sa print campaign, na in -black and white pa man din, ang hubog at kurba ng kanyang katawan ay in full display.

Living well is indeed her best revenge and with her hotter than hot body, para bang pinagsisigawan niya sa mga nagdemanda sa kanya na hindi siya stressed, wala siyang panahong mamroblema at hinahayaan niyang ang kanyang legal counsel ang kumuda at humanash, basta ako, maganda, as in magandang-maganda at ang mga larawang ito ang pruweba.

Ang diva that you love, sure na sure na si James Reid, proud na proud sa transformation ni Nadine, hindi ba naman? Kung gaano siya ka-plain Jane sa una nilang tambalan na “Diary ng Panget” hanggang sa kanyang stature as a super model, itsurang hindi siya katangkaran, panalong-panalo si ate Lustre mo.

Iba talaga pag may l-u-s-t sa apelyido mo, huh! Alam momg gamitin to your advantage. Sa image niyang iyan, more men will want to protect and save her from doom and be her knight and shining armor.
Ganiyan makipag-giyera, in style, dapat two piece bikini ang suot para pangabog na pangabog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.