Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nadine tinawag na obssesed ni Janine

0 559

Sa nakaraaang 6 na taon, ayon kay Nadine Lustre ay napagdaaanan na raw niya ang lahat ng mga intriga at pangba-bash.

“The past 6 years? Gurl, I went through all of it. From bashers, intriga to fake news left and right. Every year na lang buntis? Wala na bang bago?” simula ni Nadine sa isang video message na in-upload niya sa kanyang Instagram.

Pero ang maganda naman, kinaya raw niyang lahat ‘yun.

“Kinaya ko naman. I don’t need no savin’. I’m no damsel in distress pero gusto ko rin naman ng peace of mind,” she said.

Pero wala raw dapat ipag-alala dahil alam niyang qualified ang papalit sa kanya bilang Presidente.

As we all know ay President ang tawag ng mga fan kay Nadine.

SM food to go Banner Ad

“Don’t worry, mga kababayan. We will make sure na qualified ‘yung papalit sa akin. I know someone who went through worse.

“Bashers, intriga, fake news for the past six years but she still served tirelessy, faithfully, wholeheartedly dahil alam niyang deserve nating mga Pilipino. Ibang klaseng husay at tibay just to drown out the noise,” she said.

May dialogue rin si Nadine na “kapag mahal ka, babalikan ka” at “ganyan naman ang gusto nating lahat, di ba? ‘Yung laging present at hindi ka iiwan.”

Ang nasabing video ay pinuri at pinalakpakan ng mga kapwa Kakampink ni Nadine tulad nina Anne Curtis, Yassi Pressman, Angel Locsin, Bianca Gonzales among others.

Pero natawa kami sa komento ni Janine Gutierrez na tinawag niyang “obsessed” si Nadine.

Sinagot siya tuloy ng isang netizen na “mas obsessed ka kay Paulo (Avelino).”

Leave A Reply

Your email address will not be published.