Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nadine umeksena sa New York

0 576

NI: VINIA VIVAR

Featured si Nadine Lustre sa Spotify billboard sa pamosong Times Square sa New York City. Ang boyfriend niyang si James Reid ang unang nagbalita nito sa kanyang Instagram Story kahapon.

Naka-post sa IG Story ni James ang larawan ng billboard para sa Spotify’s new campaign, EQUAL, kung saan ay nakabandera ang mukha ni Nadine.

“Congrats Nadine. Spotify billboard up in NYC!” ang pagbati ni James sa ex-girlfriend at talent niya sa sariling music label na Careless Music.

Ipinost din ito ng Careless Music sa kanilang Instagram page.

“Nadine is featured on Spotify Equal! 🔥

“Equal is Spotify’s new global commitment dedicated to fostering equity for women in audio, celebrating their contributions!” ang caption ng Careless Music.

Maya-maya ay si Nadine naman ang nag-post sa kanyang IG page.

“We made it to nyc fam @carelessph! Check out the EQUAL Philippines Playlist now on @spotify,” caption ni Nadine.

Sa playlist ng Spotify’s “EQUAL Philippines” ay kasama ang single ni Nadine na “Wildest Dreams” under Careless Music as the first track.

Leave A Reply

Your email address will not be published.