Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nadine, Xander, Manolo out sa 2021

0 273

Kung inakala niyo na dahil sa pandemya ay walang You’ll Never Make It List ngayon. Maling-mali ang akala niyo.

Mas mabangis at mabalasik ang ating honor rolls para sa quarantine edition.

Sayang kung hindi ma-immortalize ang mga nilalang na ito. Tama na ang eklatan at pahinga muna ang political correctness. Heto na ang mga out sa showbizlandia sa 2021:

Henry Villanueva – the WHO si Villanueva? Alam niyo na! Bwahahaha! Commoner of the highest order ang namesung kaya pasok sa banga ang bruho. Isa siya sa lead stars ng worst Pinoy BL series for all seasons, ang “Sakristan.” Kung sino man nag nagbigay ilusyon na pwede siyang maging leading man at artista, paki-konyatan sa bumbunan. Juice colored! Siya yata ang magna cum laude sa Aljur Abrenica’s Machete School of Wooden Acting.

Kyo Quijano – the WHO times two si Quijano? Sobra naman kayo! Hahahha. Tigilan na ako na may kiyeme latik siyang pansexual, noh. Influencer at popular vlogger daw itong si Kyo na who looked like he suffers from constipation every time may drama scene siya sa “Quaranthings.”

SM food to go Banner Ad

Daryl Yap at Xion Lim – wonder twins separated at birth nga ba ang directors na ito? May artista aspirations at inaagaw ang limelight sa mga bida nila. Si Yap pa-controversial ang mga kuda. Si Lim, may hanash sa lead actor sa BL niya. Ayusin niyo muna ang story telling at camera work niyo,

Manolo Pedrosa at Luis Hontiveros – mga sumakabilang bakod pero may nangyari ba? Aba parang mas sikat pa sa kanila ang mga prutas sa Pilipinas na may kanta na, huh! Si Pedrosa na ang best asset lang eh ang singkitin niyang mga mata at si Luis na kaya lang naman naramdaman ay dahil siya umano ang binatang may big, throbbing stick sa isang vid-jakol moment. Dead na ang network nila dati at hindi pwedeng itanggi na nasa ICU pa rin ang mga karera, sad!

Gil Cuerva at David Licauco – ang sadder than sad, ang neither here nor there na kaganapan sa dalawang hombrelicious na ito na hotter than hot pa man din pero lost in space, lost in translation at lost in emotion ang career. Sure they can titillate with their sexy bods pero marunong ba naman kasing umarte? Ay naku! Pasok na pasok sila sa Excellente Club of Hamonado stars !Hahahaha!

Nadine Lustre – yes pasok ang babaitang may LUST sa apelyido sa listahan! Walang utang na loob, check! Ingrata sa nagpasikat sa kanya! Check na check! Oo, sumikat siya, binubuyanyang niya pa ngayon ang kanyang sexy bod, pero with this lawsuit na kanyang inalmahan, no one will dare hire her, kaya gone with the wind, gone in 60 seconds na ang istariray niyang karera na sayang na sayang talaga.

Xander Ford – of course we saved the WORST for last. Kataka-taka at tunay na nakakahibang ang kanyang biglaan sexual orientation at preference change na talagang nagdulot ng nightmares at sleepless nights, vomiting spells at loose bowel movement sa mga baklang rimarim na rimarim sa kanyang science project to bekibel transformation. Kamusta na kaya ang forever is not enough sa pagiging the WHO boyfriend niyang si Jerick Fernandez? Bumula na ba ang bibig o happiness sa pasampal ni Ford kaya sila pa rin ba? Ang azucarera de maricon, pangkabuhayan package talaga. Hahahaha!

Leave A Reply

Your email address will not be published.