Abante Tonite Interactive

Nadine, Yaya Dub ginamit para pag-usapan ang PBB?

By
4,221

Bida sina Maine Mendoza at Nadine Lustre sa unang attempt at vlogging ng Head of TV Entertainment ng ABS-CBN na si Direk Lauren Dyogi.

Gumawa ng sarili niyang YouTube channel ang Kapamilya executive na tinawag niyang StarHunting with Direk Lauren.
Sa una niyang vlog, kasama sa naikuwento ni Direk Lauren ‘yung mga nag-audition noon sa ‘Pinoy Big Brother’ na na-miss niya at hindi niya napansin, pero mga sikat na ngayon.

Aminado siyang bad call ‘yon on his part, pero baka raw ganu’n talaga at hindi siya ang kapalaran ng mga ito.

Una niyang ipinakita ang audition clip ni Nadine para sa ‘PBB: Teen Clash of 2010’ kung saan hindi natanggap si Nadine, na eventually ay sumikat sa tulong ng Viva Films.

Ang tinanghal na winner nu’ng season na hindi pinalad mapili si Nadine ay si James Reid, na na­ging ka-loveteam at real-life boyfriend ni Nadz.

Ang sunod na ipinakita ni Direk Lauren na audition clip ay kay Maine para sa ‘PBB: 737’ nu’ng 2015.

20-anyos si Meng nu’ng time na ‘yon na ang sabi sa kanyang introduction video ay kumuha siya ng Culinary Arts sa La Salle College of St. Benilde, nagwo-work siya sa kanilang family business at gumagawa siya ng dubsmash videos.

Tinanong ni Direk Lauren kung anong klaseng family business at ang sagot ni Menggay ay, “Shell po, Shell. Oil business and gasoline stations.”

As we all know ay hindi nakapasa si Maine sa audition ng season na ‘yon ng ‘PBB’, na ang dineklarang winners ay sina Miho Nishida at Jimboy Martin (na parehong hindi narating ang kasikatan na naabot ni Maine).

Sa ‘Eat Bulaga’ sunod na nag-audition si Meng and the rest is showbiz history.

Ang comment ng mga netizen, nilabas ni Direk Lauren ang audition video na ‘yon ni Maine para pag-usapan ang ‘PBB’ na wala nang dating.

Kailangan daw gumawa ng ingay at gamitin nga­yon si Maine samantalang nu’ng kainitan ng AlDub loveteam ay ni ayaw ipalabas sa ABS ang mga TVC nito.

May humirit na kung natuloy mag-‘PBB’ si Maine ay hindi rin sure kung sisikat ito na katulad ng nangyari nu’ng ipareha ito kay Alden Richards.

Meant daw talaga ang Dubsmash Queen for ‘Eat Bulaga’ at destiny nito ang maging ka-loveteam ni Alden.
Maging si Nadine ay hindi rin daw ta­laga pang-‘PBB’ dahil kaya nitong sumikat sa ibang paraan at kapalaran nitong maitambal kay James.

Si Direk Lauren ang namumuno sa Star Hunt audition caravan ng Kapamilya network, na sana raw ay maging bagong daan para maka­hanap ng next big stars.
***

Donny walang napanood na pelikula ng ina

Mahiyain dati si Donny Pangilinan, na introducing sa barkada movie ng Regal Films na ‘Walwal’.

Ang sabi sa amin ng guwaping na anak nina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan, malaking bagay ang nagawa ng social media para mawala ang pagiging mahiyain niya at maipakita niya kung sino talaga siya.

Kahit shy siya, dahil sa supporters niya sa social media ay na-enjoy niyang makipag-interact sa mga ito. Tapos ay natutuwa siya na mapasaya o mapangiti ang mga tao.

Ang sarap daw sa fee­ling ng 20-anyos na binata na nai-inspire niya ang followers niya at may positive effect siya sa mga ito, na nakikita niya through their faces.

Love niya ‘yon at ngayong na-try na niyang umarte sa pelikula ay love na rin daw niya ang acting.

Mahusay na aktres ang mommy ni Donny na si Maricel Laxa, na present sa presson ng ‘Walwal’ to support her son.
Medyo weird lang na wala pa palang napapanood si Donny na any movie ng nanay niya.

Alam ni Donny na magaling na aktres ang mom niya, pero ayaw daw kasi nito na panoorin niya ang mga pelikula nito.

Nang minsang mag-shoot ang ‘Walwal’ sa isang video store ay binili niya ang DVD’s ng old mo­vies ni Maricel at niregalo niya ‘yon sa mommy niya. Ang sabi nito sa kanya, kailangang nandu’n ito ‘pag pinanood nila ang mga ‘yon.

‘Minsan Lamang Magmamahal’ (1997) na movie ni Maricel with Maricel Soriano and Edu Manzano ang unang gustong mapanood ni Donny dahil si Direk Joey Reyes ang nagdirek nito at nang manalo raw ang mom niya ng award for this movie ay kasalukuyan siyang ipinagbubuntis nito.

Ngayon ay si Donny na ang dinirek ni Direk Joey sa kanyang very first movie.

Sey ni Donny, close sila ng ‘Walwal’ co-stars niyang sina Elmo Magalona, Kiko Estrada at Jerome Ponce at naging parang barkada talaga sila.

First day pa lang ay click na agad sila, kaya parang hindi sila umaakting sa ‘Walwal’, very authentic at very organic daw ang chemistry nila.

Hindi pa man naipapalabas ang big screen debut ni Donny sa June 27 ay meron na agad siyang second movie.
Kasama siya sa pelikula nina Zanjoe Marudo at Maja Salvador na ‘To Love Some Buddy’ directed by Jason Paul Laxamana.

 

Marian astig ang kaseksihan

Palaban at mapangahas ang alindog ni Marian Mendoza. Siya’y 21 years old, freelance model at may sukat na 35-26-36. Astig ang kaseksihan niya.
Ang pananaw niya sa buhay ay “Winners never quit and quitters never win”.
Pangarap niya na maging matagumpay na negosyante balang araw.