Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nadulas na senglot, lunod

0 104

Isang 48-anyos na scrap collector ang nasawi matapos itong malunod sa ilog sa Barangay Ilayang Iyam, Lucena City.

Kinilala ang ang biktima na si Bernie Gruta.

Sa report, nakainom umano ang biktima at naglalakad sa baybay ilog nang madulas ito sa batuhan at mahulog sa tubig pasado alas-12:00 ng tanghali.

SM food to go Banner Ad

Agad itong tinangay ng agos patungo sa malalim na bahagi ng ilog.

Makalipas ang ilang oras ay wala na itong buhay nang matagpuan ng mga rescuer. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.