Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nag-aabogado

0 86

Nakakaloka naman itong panukala ni Ombudsman Samuel Martires. Gusto niyang pakasuhan ang mga nagkokomento sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ng mga opisyal at empleyado ng gobyerno.

Hirit pa ng Ombudsman sa mga kongresista last week, dapat daw masusugan ang Republic Act No. 6713, o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, para maparusahan at makulong hanggang limang taon ang mga magkokomento sa SALN ng mga opisyal at empleyado ng gobyerno.

Siyempre, kinontra ito ng ilang progresibong kongresista dahil labag daw ito sa freedom of speech ng mga Pinoy. Hindi raw dapat maging balat sibuyas ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno kung may komento ang mga netizen sa nilaki ng yaman ng opisyal.

Sabi tuloy ni Vice President Leni Robredo, umaastang private lawyer daw ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng ibang opisyal ng gobyerno si Ombudsman Martires. Taliwas daw ito sa mandato ng Ombudsman, ayon sa bise presidente.

Naalala ko tuloy ang isang mambabatas na dating nag-aabogado sa bigating opisyal ng gobyerno. Kahit may testigo sa isang opisyal ng gobyerno, nagawa ng mambabatas na paikutin ang bigat ng testimonya ng testigo.

SM food to go Banner Ad

Naging kasangkot din siya para maparusahan ang kanyang kabaro. Kalaunan, nabigyan ng reward ang mambabatas sa pag-aabogado niya sa bigating opisyal. Pero ngayon, nabaligtad na ang mundo, sila naman ang magkagalit ng bigating opisyal.

Ilang araw na lamang, magsisimula na ang paghahain ng certificate of candidacy ng mga tatakbo sa 2022 national at local elections. Nakatuon ang pansin ng marami kung sino ang tatakbong presidente, bise presidente at senador sa darating na halalan.

Tatakbo kayang presidente sina Davao City Mayor Sara Duterte, Manila Mayor Isko Moreno, dating Senador Bongbong Marcos, Senador Manny Pacquiao at VP Robredo?

Ang sigurado pa lang ngayon ay ang tambalan nina Senador Panfilo Lacson at Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III sa presidential at vice presidential elections. Pormalidad na lang ang paghahain ng COC.

Nasa kamay na ng mga botante kung gusto nila ng pagbabago o dating sistema sa pagpapatakbo ng gobyerno. Huhusgahan din ng mga botante ang mambabatas na nag-abogado sa bigating opisyal ng gobyerno.

Napakahalaga ng boto ng bawat Pinoy dahil dito nakasalalay ang kinabukasan ng bansa sa gitna ng pandemya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.