Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nag-aagawan sa `pork’ parang mga alipin – Lacson

0 123

Walang binanggit na pangalan subalit makahulugan ang sinabi ni Senador Panfilo `Ping’ Lacson hinggil sa aniya’y mga lingkod bayan na nag-aagawan sa pork barrel.

Sa kanyang tweet nitong Sabado, nagbalik-tanaw si Lacson hinggil sa pinanggalingan aniya ng pork barrel.

“Trivia: “Pork barrel” originated in a pre-Civil War practice in the US when slaves were given a barrel of salted pork as a reward from their masters, requiring them to compete among themselves to get their share of the handout,” sabi ng senador.

SM food to go Banner Ad

“Here, the slaves are called “public servants,” dagdag pa nito.

Si Lacson ang unang nagbunyag sa Senado ukol sa mga umano’y “re-appropriations” at “lump sum appropriations” sa 2021 National Expenditure Program (NEP), partikular sa mga infrastructure budget sa ilalim ng Department of Public Works and Highways (DPWH), matapos na isumite sa Kongreso ng Department of Budget and Management (DBM) ang panukalang budget para sa susunod na taon.

“We have found that the initial amount of P73.5 billion covering 2,933 items has now ballooned to P135.8 billion involving 5,913 projects – thus effectively increasing the total questionable appropriations to P532.3 billion from the initial P469 billion that we exposed earlier, including lump sums in the amount of P396.4 billion,” pahayag ni Lacson.

Tiniyak nito na kanyang hihimayin sa budget hearing ang listahan ng mga pinaglaanan ng pondo para sa susunod na taon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.