Abante Tonite Interactive

Nag-ambisyong mag-welding nakuryente

By
10

Patay ang isang construction worker nang aksidenteng makuryente sa ginagawang gusali sa Macapagal Boulevard, Pasay City, kamakalawa ng gabi.

Hindi muna pinangalanan ang biktima na tinatayang nasa 25 hanggang 30-taong gulang habang hindi pa naipagbibigay-alam sa kanyang pamilya na nasa lalawigan ng Samar ang insidente.

Sa imbestigasyon ng Station Investigation and Detective Management Branch ng Pasay City Police, naganap ang insidente alas-10:00 ng gabi sa Macapagal Boulevard ng nasabing lungsod.

Napag-alaman na nagtratrabaho ang biktima bilang steel man, nang paki­alaman umano nito ang makinang ginagamit sa pagwe-welding at sinubukang magkabit ng wel­ding rod ng walang suot na guwantes kaya nakur­yente dahilan upang masunog ito na naging dahilan upang mabilis itong isu­god ng kanyang mga kasamahan sa San Juan De Dios Hospital, subalit idineklara itong dead-on-arrival.

Sa imbestigasyon ng pulisya, wala namang silang nakikitang foul play sa pagkamatay ng biktima sa naganap na insidente.

Gayunman ay patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad hinggil sa insidente.