Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nag-amok na lolo todas sa sniper

0 85

HUMANTONG sa malagim na wakas ang pagwawala at pamamaril ng isang 75-anyos na mekaniko na naburyong sa ingay kahapon sa Taguig City.

Patay kaagad si Sergio Credo, 75, taga-35 Katuray St. Lower Bicutan sanhi ng tinamong bala sa ulo. Sugatan naman ang tanod na si Jaime Yao at kapitbahay na si Lorena Adriano na umawat sa pagwawala ni Credo.

Sa imbestigasyon, lumabas ng bahay si Credo alas-9:00 ng umaga at pinagmumura ang mga nagtatayo ng yerong bakod sa tabi ng kanyang tirahan. Inawat naman siya nina Yao at Adriano.

Pumasok ng bahay ang suspek subalit paglabas ay armado na ng kalibre .45 baril, agad nagpaputok at nahagip ng bala ang dalawa.

Nang magresponde ang pulisya, pumasok ng bahay si Credo at wala habas na nagpaputok kaya lumapit na sa tauhan ng Special Weapons and Tactics (SWAT) ang pulisya.

Nang makakita ng pagkakataon ang isang sniper ng SWAT, inasinto nito sa ulo si Credo. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.