Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nag-amok na LSI, nirapido ng sundalo

0 92

Patay ang isang locally stranded individual (LSI) nang barilin ng isang sundalo nang mag-amok umano ito at tutukan ng baril ang barangay captain sa bayan ng Alicia, Zamboanga Sibugay, Sabado ng umaga.

Dead on the spot sanhi ng tatlong tama ng bala sa katawan si Ernesto Caes Pilones, 45, ng Purok Anahaw, Barangay Dawa-Dawa.

Sumuko naman ang sundalong si PFC Norman Tamang Maradi, 27, detachment commander ng 44th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Sitio Guicam Patrol Base.

SM food to go Banner Ad

Sa ulat ni PCapt. Edwin Duco, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO) 9, nagpasaklolo ang chairman ng Barangay Dawa-Dawa kay Maradi hinggil sa pagpasok ng hindi dokumentadong LSI na si Pilones.

Alas-6:00 ng umaga nang dumating sila sa lugar ng biktima at nang makita ang awtoridad ay agad nag-amok hawak ang jungle bolo.

Sinubukang pakalmahin ng kapitan si Pilones subalit imbes na kumalma ay hinugot pa ang kalibre .38 baril at tinutukan ang una. Doon na binaril ni Maradi si Pilones. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.