Abante Tonite Interactive

Nag-angas sa fast lane! Abogado huli sa Makati checkpoint

0 531

Dinakip ang isang abogado nang magpumilit diumano na dumaan sa fast lane na nakalaan sa mga frontliner sa isang checkpoint sa Makati City at wala ring naipakitang driver’s license, kamakalawa ng gabi.

Pinahinto umano ng mga nagbabantay na pulis sa isang chekpoint sa Osmeña highway ang isang Mercedez Benz na dumaan sa fast lane.

Tinanong ng mga ito ang driver para sa kanyang ID mula sa Inter-Agency Task Force na magpapatunay na isa siyang frontliner na maaaring dumaan sa fast lane, gayunman wala diumano itong maipakita.

Nagkaroon pa ng diskusyon hanggang hiningi na rin ng awtoridad sa nagpakilalang abogado ang kanyang driver’s license, pero wala rin umano itong naipakita kaya dinakip na ito ng mga nagbabantay sa checkpoint.

Nabatid na 53-anyos ang abogado at taga-Ayala Alabang sa Muntinlupa.

Tonite – Wendys Inhouse Ad