Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nag-apply ng police clearance, wanted tiklo

0 78

KALABOSO ang isang binata matapos siyang arestuhin habang kumukuha ng National Police Clearance System (NPCS) sa istasyon ng pulis sa Barangay Poblacion, Luna, Apayao kamakalawa.

Nakilala ang suspek na si King John Credo Cabanglan, 24, ng Payagan East, Ballesteros, Cagayan.

Sa report, ayon kay Apayao Police Provincial Office (APPO) director P/Col. Reynaldo Ogay Jr., bago ang pag-aresto, habang kumukuha ng police clearance si Cabanglan ay lumabas sa e-warrant data ng pulisya na may standing warrant ang suspek kaya agad itong inaresto.

Ayon sa police record, si Cabanglan ay may kinakaharap na kasong dalawang beses na panggagahasa na ibinaba ni regional trial court Judge Maribeth S Rodriguez-Manahan, ng 4th Judicial Region Branch 175, San Mateo, Rizal na walang kaukulang piyansa.

Sa arrest warrant, ang akusado ay may criminal case 26585-21 and 26586 sa kasong rape. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.