Abante Tonite Interactive

Nag-asawa para makatakas sa responsibilidad

347

Musta na po diyan? Minsan iniisip natin na wala ring ibang u­nang makakatulong sa mga kamag-anak kundi kapwa kamag-anak din. Pero iba ang style ni Joel na pinakiusapan ng mga magulang niya na alalayan muna sa pag-aaral ang dalawa niyang kapatid na nasa college at high school. Sakitin na rin kasi ang parents niya na engaged sa buy and sell business.

Medyo malakas din sanang kumita si Joel kasi sa call center nagtatrabaho.

Supervisory na yata ang position n’ya roon. Isa pa, binata nga siyang tao.

Abante Hiring – IT dep

Katapat lang kasi ng bahay namin ang bahay nila kaya alam din namin ang kuwento ng pamilya nila. ‘Yung kapatid ko, nakakakuwentuhan din ‘yung isang kapatid niya na third year high school.

May dalawang taon na rin namang tumutulong si Joel sa pagpapaaral sa mga kapatid niya. Dati, nu’ng wala pa siyang ganoong obligasyon sa mga kapatid niya, sunod lahat ang hilig niya sa gadgets. Inggit nga ko roon eh. Iphone, nagkaroon siya noon, pero nabenta na rin yata niya kasi nga ipinandagdag sa tuition ng mga kapatid.

Actually magastos talagang magpaaral sa ngayon. Aaray talaga ang bulsa mo.

Sa bagay, kung ganoon ang arrangement nila sa pamilya nila, choice naman nila ‘yon. Kaya lang last month lang, bigla na raw nag-asawa si Joel. Ewan, sabi sa huwes lang daw nagpakasal. ‘Di ko pa ganoong naurirat ‘yung kapatid ko na kakuwentuhan ng sister ni Joel.

Shocked nga raw ang pamilya nila dahil ‘di nila inisip na ganoon ang magi­ging ending. Malamang may matigil sa dala­wang magkapatid na estudyante o kaya, mag-working student sila.

Puwede rin namang magtrabaho muna ‘yung nasa college at suportahan na muna niya ‘yung nasa high school. Mga ganoong diskarte puwede ‘yun.

May trabaho pa rin naman ‘yung parents nila, kaya lang mahina na rin daw ang kita dahil nga sickly na like I said. Hanggang dito na lang po.
Carmen ng Tarlac