Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nag-Astral Namasyal sa UFO Base

0 239

Mga ka-Misteryo ituloy natin ang karanasan ni Crisanto ng Makati nang namasyal siya sa palagay niya ay UFO Base na “Noon of Chaokran”.

Yan ang paksa natin ngayon, “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Namangha nga si Crisanto sa ipinakita sa kanyang demo ng mga maliliit na UFO na kontrolado ng lumulutang na orbs.

Pagkatapos nun ay lumabas na siya sa UFO testing site at pumasok siya sa isang napakalaking bulwagan na puro puti ang kapaligiran.

Misteryo: “Ok pala ang pamamasyal mo sa “Noon of Chaokran” at ano naman ang nakita mo sa napakaputing bulwagan na iyon?”

Crisanto: “Sobrang puti ang lugar na iyon. Yung wall puro puti ang kulay at sobrang liwanag. At Wala akong napansin na kanto o anuman sa loob ng bulwagan dahil Sobrang puti.

Misteryo: “Palatandaan nga ng alien abduction ginawa sayo dahil halos magkapareho ng mga nakita mo sa nakita ng iba pang inimbitahan o kinuha ng mga extraterrestrial.”

Crisanto: Mukhang ganun na nga yun pero hindi naman ako takot kasi parang friendly naman ang intensiyon nila sa akin.”

SM food to go Banner Ad

Misteryo: “Ano pa ang mga nakita mo sa puting bulwagan na iyon?”

Crisanto: “Aha meron brod. Nakita ko mga hilera ng mga puting mesa sa bulwagan na iyon. May mga tao na nakaupo. Ewan ko lang kung totoo ba silang mga tao o ibang nilalang. Yung pinakamalapit sa aking mesa ay may mga pakete ng sim card.”

Misteryo: “Sim card? Ano naman kaya ang gagawin nila sa sim card? May tatak ba ang sim cards?”

Crisanto: “Nakapagtataka ang name ng mga pakete ng sim cards ay smart. Hindi ako nakapagtanong kung para saan yun dahil biglang nawalan ako ng malay. Pagkatapos nun nagising na lang ako sa dulo ng riles ng tren kung saan ako galing. At yun nagising na ako.”

Misteryo: “Ang tanong ko sayo ngayon. Ano ang naramdaman mo nang magising ka?”

Crisanto: “Sobrang sakit ng ulo ko. Ayaw ko isipin na may inilagay sa akin na chip o anuman pero weird ang feelings ko pagkatapos nun.

Para sa inyong kuwentong karanasan ng Kababalaghan, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at Abante.com.ph.

Leave A Reply

Your email address will not be published.