Abante Tonite Interactive

Nag-away: Enrique sinigawan ng ‘Mama’ si Liza

0 934

Aminado si Enrique Gil na nakikita niya ang kanyang ina sa girlfriend na si Liza Soberano. At kasabihan nga talaga na kapag ang isang babae ay mayroong similarity sa nanay ng kanyang boyfriend, chances are ay magkatuluyan nga sila in the future.

“’Wag kayong magagalit, I really see my mom in her, a lot,” sabi ni Enrique.

“In a good way,” paglilinaw niya agad. “Mama’s boy ako, so. . .”

Kuwento naman ni Liza, pag nag-aaway daw sila, aksidente siyang natatawag na “Mama” ni Quen.

“Nagsisigawan kami, tapos sabi niya, ‘Mama!’ Pati ‘yung sister niya, si Andi, pag nage-explain sa akin, sabi niya, ‘Mama. . .’ Bakit Mama? Siguro, napaka-motherly lang ng dating ko sa kanila kasi I’m very protective of the people I care about,” sey ni Liza.

Hindi naman matandaan ni Quen na natawag niyang “Mama” si Liza at sagot naman ng aktres sa kanya, “kelan ba ako nagsinungaling?”

Pero ani Quen ay super-close raw talaga si Liza at ang Mama niya to the point na scary na raw dahil pinagkakaisahan na raw siya.

“Pinag-uusapan kasi namin siya lagi, teaming up against him,” natatawang sabi ni Liza.

Babe, Love at Baby pala ang tawagan nilang dalawa pero sey ni Liza, hindi naman daw siya napipikon pag tinatawag siyang Mama ni Quen at natatawa na lang siya.

“Pero nare-realize ko, parang nago-overboard na po ang pagiging protective ko and parang pakialamera. ‘Yun lang ang napi-feel ko sa sarili ko minsan,” natatawang sabi ng aktres.

Yam ‘di takot sa pagsasara ng ABS-CBN

Dream pala ni Yam Concepcion na makatrabaho si direk Yam Laranas kaya naman ganu’n na lang ang tuwa niya nang i-offer sa kanya ang horror flick na Night Shift ng nasabing direktor.

“I’ve always been a fan of direk Yam Laranas, of course he is known for his beautiful cinematography and story-telling niya, magaling talaga. May mga friends nga ako na sobrang fan ng movie niya na Sigaw, so sinabi ko sa kanila, ‘Uy, I’m going to do a movie with direk Yam.’ Sabi nila, ‘oh my God, ‘yung director ng Sigaw! We’re so excited for you!’” kwento ni Yam sa presscon ng Night Shift.

Nang nalaman niyang siya ang first and only choice ni direk Yam for the movie, lalong natuwa ang aktres kaya naman sobrang thankful siya sa direktor.

Not only that, pinagdasal daw niya noong 2019 na sana ay makagawa siya ulit ng movie with direk Yam ngayong 2020 at natupad nga agad-agad dahil inanunsyo nga sa presscon na may gagawin pa silang isang pelikula this year.

“Sabi ko sa kanya, huwag masyado maging busy kasi we have to do another one this year,” sabi ni direk Yam.

Bukod nga sa bagong movie na ito, may teleserye ring ginagawa si Yam sa ABS-CBN, ang Love Thy Woman with Xian Lim and Kim Chiu kung saan, as we all know ay pinalitan niya si Erich Gonzalez.

May gagawin pa raw siyang isang teleserye ulit at baka nga raw pagsabayin niya ang Love Thy Woman at itong new drama series.

At dahil nga may dalawa siyang upcoming teleseryes, natanong namin si Yam kung ano ang thoughts niya sa pangamba ng lahat na baka hindi na ma-renew ang franchise ng ABS-CBN at tuluyan na itong ma-off air sa March, 2020.

“I’m not in the position to answer that siguro. Sana, ma-renew ni (Pres. Rodrigo) Duterte ‘yung franchise ng ABS, kasi hindi lang naman para sa akin. Ang dami kasing employees ng ABS, di ba? Ayaw din naman natin silang mawalan ng trabaho.

“Ayun, we’ll see. I hope, makita ni Duterte sa puso niya na maraming mawawalan ng trabaho kung hindi niya mare-renew at how it will really affect the lives of the people, so, ayun, tingnan natin,” pahayag ni Yam.

May fear ba siya?

“Mayroon naman sigurong ano ‘yan, ‘yung mga bosses ng ABS, mayroon naman sila sigurong back-up plan. Kung baga, you know, parang feeling ko, wala ako sa posisyon para sagutin ang plano nila kasi, hindi naman ako boss ng ABS,” he said.

Sa ngayon ay wala pang airing date rin ang Love Thy Woman, so wala ba siyang fear na baka hindi na maere if ever?

“May mga ibang platform naman, eh. May mga digital na ngayon, so pwedeng gawin ‘yung Love Thy Woman internationally, mga ganu’n. So, madaming mga plan B, plan C, plan E, mga ganu’n,” sey niya.

Hindi naman daw din nila napag-uusapan sa set ang bagay na ‘yun at ginagawa pa rin naman nila kung ano ang dapat gawin at the moment.

“We’ll cross the bridge when we get there, sabi nga nila,” sambit pa ni Yam.

Showing na ngayong Jan. 22 ang Night Shift hatid ng Viva Films.