Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nag-away sa FB: US navy binaril misis na bagong panganak

0 128

ARESTADO ang dating US Navy matapos barilin ang live-in partner na katatapos lamang manganak sa Barangay Macayug, Mangaldan, Pangasinan, Miyerkules ng hapon.

Kinilala ng Mangaldan Police Station (MPS) ang suspek na si Rommer Gonzalez, 40, retiradong US NAVY, ng Barangay Embarcadero, Mangaldan.

Ayon sa MPS, nangyari ang insidente alas-4:27 ng hapon sa compound ng suspek kung saan nito binaril ang ka-live in na si Maria Theresa Ambas, 39, na nagtamo na mga bala sa katawan na ikinasawi nito.

Sinabi ng MPS, na love triangle at kustodiya ng bagong silang na sanggol ang tinitingnan nilang motibo sa krimen.

Napag-alaman na bago ang pagpatay ni Gonzales kay Ambas, nag-aaway na umano ito sa Facebook sa di pa natukoy na dahilan. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.