Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nag-away sa pera, kinatay si misis

0 113

Problema sa pera ang sinasabing dahilan kung bakit pinatay ng isang mister ang kanyang misis matapos na pagsasaksakin ito at saka sinaksak ng suspek ang sarili sa kanilang bahay sa mabundok na bahagi ng Brgy. Macabugos sa Libon, Albay kamakalawa.

Namatay noon din dahil sa tinamong mga taga sa katawan ang biktimang si Wilma Regaspi. Inoobserbahan naman sa JBDMD Hospital ang suspek na si Edgar Regaspi na sinaksak ang sariling sikmura.

Sa ulat ni Master Sgt. Maribeth Corporal ng Libon Municipal Police Station, naganap ang krimen dakong alas-3:10 nang madaling-araw sa loob ng bahay ng mag-asawa sa Barangay Macabugos.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nabatid na nagtalo ang mag-asawa dahil sa kakapusan sa pera. Sa gitna ng pagtatalo ay nakakuha ng jungle bolo ang mister at pinagataga ang walang kalaban-labang misis hanggang sa bawian ito ng buhay.

Doon naman nahimasmasan ang suspek sa ginawang krimen at hawak ang jungle bolo na ipinangpatay sa asawa ay itinarak naman niya ito sa kanyang sikmura.

Nakuha namang maisugod sa nasabing pagamutan ang suspek kung san inoobserbahan pa ito ngayon at bantay-sarado ng mga pulis. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.